"Devi!" Napatingin si Deveraux sa tumawag sa pangalan nya. Nakita nya si Charie at malawak ang ngiti nito habang naglalakad at hinahabol sya. Nasa Hamilton na sila. "Charie!" nakangiting sambit nya sa pangalan nito. Hinintay nya itong makalapit sa kanya. "Saktong-sakto lang pala ang pasok ko. Halos magkasabay lang tayong dumating dito sa Hamilton," sabi ni Charie sa kanya. Sabay na silang naglalakad ngayon. Marami na din ang estudyante sa Hamilton Academy. "Kamusta kayo ni Sir Drake nakita ko kayo noong isang araw ah? Magkausap kayo. Ikaw ha, hindi ka man lang nagkukwento sakin," wari'y nagtatampong sabi nito. Ilang saglit syang natigilan. Nakita pala sila nito noong araw na iyon? "Ah wala naman iyon. May tinanong lang sya sakin," aniya. "Ano naman ang tinanong nya sayo? Close n

