Iniwan ko si Sebastian sa kwarto niya pagkatapos niyang makatulog mula sa pag-iyak niya. Wala naman siyang sinabi sa akin, umiyak lang siya nang umiyak. Sa sobrang tagal na naming magkakilala ay ngayon ko lang siya nakitang umiyak ng ganun. Naaawa ako sa kanya, kung pwede ko lang kunin yung sakit na nararamdaman niya ay ginawa ko na. Bumaba ako sa kusina, tahimik na ang mansyon at nakapaligpit na rin ang mga tauhan sa labas. Sa totoo lang ay pamilyar sa akin ang ganitong eksena. Naging tahimik ang buong bahay namin noong nawala ang mga magulang ko. Pero sa dami ng pinagdaanan ko ay nasanay na lang siguro rin ako. Sanay na ako na tahimik ang bahay at wala sila sa buhay ko. Alam ko naman kasi na masaya na sila kung nasaan man sila. Naabutan ko si Manang Tina na nakaupo sa isa sa mga

