A/N: This is the last chapter of this story. Look forward to Sebastian's POV. ----------------------------------------------------------------------------- Isang katok ang nagpabukas sa akin sa pintuan ng bahay. Abala ako sa paggagantsilyo ng ipadadala ko kay Nikki noon. Hindi ako makapagsalita ng makita ang mga ate niya na nakatayo sa harap ng pintuan. Anong ginagawa nila dito? Si Miranda ang unang pumasok at isang sampal ang pinadapo sa pisngi ko. Nalasahan ko ang dugo sa ginawa niyang pagsampal. "b***h! How dare you deceived our brother to marry you? Kaya pala walang sinasabi si Attorney Villagracia sa amin dahil nagpakasal kayo ni Theo! Hindi ka na nakuntento sa tatay namin, pati kapatid namin gusto mong asawahin!" sigaw nila sa akin. Naguguluhang nakatingin ako sa kanila. Ano ba

