-- "Benj.." pag tawag ko rito. Naabutan ko ito sa sala na kalaro ang anak ko. Ibinili nanaman nito ito ng mga bagong laruan base sa mga dala nitong paper bag. Inirapan ko ito. "Kumain kana?" tanong ko sa kanya. Tinalikuran ko naman ito at nag simula na muling mag lakad patungo sa kusina uoang mag handa ng makakain. "Hindi pa.." sagot ni Benj. Nasa likod ko pala ito at nakasunod sa akin. Binalingan ko ito at tumango. Naupo naman ito sa stool at ipinatong ang siko sa lamesa habang naka palungbaba na nakatingin sa bawat galaw ko. "How's your talk with Xander?" pag bibigay nito ng usapin sa pagitan namin. Binuksan ko ang ref at kumuha ng ilang piraso smng itlog. Inabot ko rin ang kawali at isinalang bago hinarap si Benj. "We didn't talk." i answered him boredly. Muli ko itong tinaliku

