Buong biyahe akong tulog. Ginigising lang ako ni Benj kung kakain kami. Five hours ang biyahe patungo sa probinsya namin. Kaya waa akong ginawa kung hindi matulog ng matulog dahil kung hindi ako matutulog. Aasarin lang ako ng hudyo kong kasama. "Apo!" masayang tawag sa akin ng aking Lola ng makababa ako sa sasakyan ni Benj. Si Benj naman ay ibinababa ang aking mga bagahe na dala. She welcomed me with a wide arms so I hug her tight. "I miss you Lola! Where's my son?" nakangiting sabi ko rito ng humiwalay sa yakap nito. Ngumisi ito at itinuro ang loob. Ngumuso ako. "Sinabi mo ba Lola na ngayon ang dating ko!?" naiiritang tanong ko sa aking Lola. Tumango ito na parang nang aasar sa akin. "Kung ganon, bakit wala rito ang batang yon!? Bakit hindi ako sinasalubong!?" naiinis na tanong

