"MAIWAN na muna kita at mukhang may kailangan sa akin ang boss nating bugnutin," aniya kay Trixie. "Good luck," nakangiting sagot naman nito sa kanya. Tumayo na siya mula sa kanyang swivel chair at naglakad patungo sa pinto ng opisina ni Zavier. Kumatok muna siya bago pumasok sa loob niyo'n. "Come in," sagot naman ng tinig ni Zavier. "Yes, sir?" pormal niyang tanong dito. "My cousin gave me a call. We have already finalized the venue for our engagement party. Now, I'm wondering if you have any suggestions?" tugon ni Zavier sa kanya, saka nito iminuwestra ang upuan na nasa harapan ng office table nito. Agad naman siyang naupo. "Wala na, okay na ako ro'n. Hindi ba't... kaya tayo kumuha ng professional planner para siyang magsiayos ng lahat?" aniya rito. "Ikaw ang bahala. So, may a

