"ANO bang problema mo at ako pa talaga ang napili mong gawing hostage?" Narinig niyang inis na tanong ni Thess sa suspek. Tila ba balewala lang dito na naging hostage ito. "Shut up, Thess!" Sigaw niya sa asawa. Natatakot siya at baka ano'ng magawa ng suspek dito. "Bobo ba naman kasi ang gunggong na 'to. Mang-hostage rin lang naman laruang baril pa ang ginamit," palatak ni Thess. "What?!" Bulalas niya sa narinig mula kay Thess. At dahil buking na ang naturang suspek. Inis na itinulak nito si Thess papunta sa kanya at maagap namang nahawakan niya ito. Mabuti na lamang at maagap ang ilang mga security guards at nadakip si Mr. Oliveros. "Magbabayad ka rin, Mr. Clinton!" Sigaw pa nito. "Ano bang atraso mo sa lalaking 'yon?" palatak na tanong ni Thess sa kanya. Inis na inayos nito ang s

