SUMASAKIT ang ulo niya dahil sa labis na pag-aalala. Panay kasi ang pag-agos ng luha ni Thess sa mga mata nito. "Do you have anything you want to eat?" tanong niya kay Thess. "Manggang hilaw sana, gusto ko ikaw mismo ang umakyat sa puno," demand agad ni Thess sa kanya habang lumuluha. "I don't know how to climb a tree, and you want me to climb it for you?" Hindi niya ma-itago ang inis sa boses. "Stop crying, please..," sumamo niya kay Thess. "Hindi ko ito sinasadya, sadyang emosyonal lang itong anak mo. Baka babae ito at nag-mana sa akin," palatak ni Thess sa kanya. Inis na pinalis nito ang mga luha mula sa mga mata. Pero hayan na naman at kusang tumulo ang mga ito sa mga magaganda nitong mga mata na tila ba palaging nangungusap. Sumusulyap siya rito gamit ang front view mirror n

