Nakatingin si Holland kay Faeleen na hanggang ngayon ay wala pa ring malay. Dinala ni butler Randy sa ospital ang dalaga at wala namang problema. Dahil lang sa pagod at halo-halong emosyon kaya siya nawalan ng malay. "Tawagan mo ang kanyang kaibigan at sabihing nasa ospital siya. Hindi niya dapat tayo madatnan na nandito." Utos niya kay Butler Randy, agad naman itong tumango bilang sagot. "Sabihin mo sa akin kung anong nangyari." Pagkasabi iyon ni Holland ay lumakad na siya palabas ng room kasabay ng paglaho niya. Pagtapak ng isa niyang paa nasa kumpanya na ito, marami pa siyang aayusing documents. Saktong pag-upo niya sa swivel chair ay bumukas yung pinto ng kanyang opisina. Kunot-noo niyang tiningnan ang babaeng pumasok, walang iba kundi si Odessa may dala itong paper bag. "Good mo

