Pagdating ni Holland sa apartment ng dalaga ay mahimbing na itong natutulog. Kaya hindi na niya ginising pa, lumabas siya sa silid umayos naman ng pagkakaupo si Lance nang makita ang kanyang tiyuhin. โKamusta Uncle Holland? Naging maayos ba ang lakad niyo?โ Seryoso niyang tanong, nagkibit balikat lang si Holland bago umupo sa isang sofa. โNaging okay naman, hinihintay ko lang ang desisyon niya kung makikipagtulungan ba siya sa atin. Hahayaan ko mo ng mag-isip dahil may mahalaga pa akong kailangang gawin. Ikaw mag-leave ka muna sa trabaho kahit isang Linggo lang. Magbabakasyon tayo, birthday ni Faeleen sa susunod na Linggo sa resort ko gaganapin.โ Seryoso niyang sabi, seryoso lang nakatingin si Lance sa kanyang tiyuhin. โSigurado ka bang makikipagtulungan siya sayo? Ama niya pa rin iyon,

