Dali-daling pumunta sa ospital si Selene nang malaman niya ang nangyari kay Faeleen. Tumawag sa kanya si Holland, pag-out niya sa trabaho ay deritso ito ng ospital. Halos patakbo siyang naglalakad papunta sa room ng kaibigan, nang makita niya si Holland agad itong lumapit. "Kamusta po si Faeleen? Maayos lang ba ang lagay niya?" Sunod-sunod na tanong niya, tumango naman si Holland bago sumagot. "She's fine, ikaw ang hinahanap niya kaya tinawagan kita agad. Ikaw na muna ang bahala sa kanya, pwede na siyang lumabas." Paliwanag niya sa dalaga, nakahinga naman ng maluwag si Selene. "Maraming salamat po Mr. Quevedo, tatanawin ko itong malaking utang na loob." Pasasalamat niya sa ginoo, nagpaalam na si Holland. Nakatingi lang si Selene sa kanya habang papalayo. Saka lang siya pumasok sa roo

