Miel Habang nakain kami ni Carl ay nagulat na lang ako. Paano kasi ay nandito ngayon si Kiro. Akala ko ay malulusutan ko pa siya pero mukhang malabo nang mangyari iyon. Kinakalma ko pa ang sarili ko, nagkukunwari na ayos lang ako. Ayaw ko rin kasi na magkagulo sila ni Charles dito eh. Isa pa, marami din ang tao ngayon dito sa mall. “Oh, Kiro. H-Hello,” nauutal na sabi k okay Kiro, lumapit na kasi siya sa amin ni Carl. “Uy, di ba friend mo siya? I think I saw him once noong lumabas tayo. Right? Hi, I’m Carl. Nice to meet you again,” sabi pa ni Carl na nakangiti kay Kiro, he also offered his hand to him. “Akala ko ba, kaibigan mo lang ‘yan? Bakit ngayon yata ay gusto mo na?” panimula sa akin ni Kiro, kita ko na inis na inis talaga ang itsura niya ngayon. “H-Hindi ko rin alam, hindi ko a

