Quin
Ako si Quin, ang fiancée ni Gwen. I'm 27 years old at aminado ako na kahit matanda na ako ay hindi pa rin ako totoo sa sarili ko. Hindi ko kasi alam kung paano sasabihin sa mga magulang ko na hindi ako totoong lalaki. Bakla ako, paminta, beki at kung ano pa ang tawag mo sa mga katulad ko.
Bata pa lang ako ay alam ko na kung ano ang gusto ko, kaso itong daddy ko naman ay sundalo kaya kailangan kong magpaka-tigas at ipakita na matibay ako. Buti na nga lang at hindi niya ako pinag-sundalo katulad niya kundi baka naghihiyaw ako doon habang nakikipagbarilan. Diyos ko po!
Alala ko pa, noong pinakilala ko si Gwen sa pamilya ko ay tuwang-tuwa sila sapagkat finally ay may babae na akong pina-kilala sa kanila. Pinagpaalam ko pa nga iyon kay Kiro at baka magalit siya sa akin kapag bigla na lang na sumulpot ang babaeng ito out of nowhere. Boyfriend ko kasi si Kiro since college, sobrang tagal na namin ano? Kung legal nga lang ang magpakasal sa Pilipinas ay matagal na namin 'yong ginawa.
Nakilala ko naman kasi si Gwen sa isang bar eh, dahil hindi nga alam ng friends ko na bakla ako ay gumawa sila ng dare para sa akin. Iyon ay halikan ang babaeng nasa susunod na table, iyon nga si Gwen.
Believe me, I tried to love her. Sinubukan kong magpaka-lalaki pero hindi talaga eh. Iba ang pakiramdam ko sa tuwing kasama ko si Kiro at iba ang pakiramdam ko kapag si Gwen ang kasama ko. Hindi ko alam kung dahil iyon sa mas matagal ko na kasama si Kiro kaya kumportable na ako sakanya o may iba pang dahilan. Ang malinaw lang sa akin ngayon ay, I am gay.
There's no problem with being gay. Be proud of yourself, mas okay na kilala mo ang sarili mo kaysa magpakilala ka sa ibang tao, sa paraan na hindi ka kumportable. Iyon ang lagi kong sinasabi sa mga kaibigan ko na hindi pa rin makapag-out sa mga magulang nila. Sadly, hindi ko naman iyon magawa sa sarili ko sapagkat hindi ako nagpapaka-totoo dahil sa takot na meron ako.
Buti na lang talaga, suportado ako ni Kiro sa mga kalokohan kong ito. Naiintindihan niya kung ano ang sitwasyon ko, kaya tahimik lang siya kahit na minsan ay nasasaktan na siya sa set up namin dahil hindi namin mailabas kung ano talaga kami. Well, buti nga siya ay tanggap siya ng mommy niya eh. Magka-iba kasi kami, sobrang magka-iba kami.
Hindi ko na nga alam kung paano pa namin maitatago ang relasyon namin ngayon na ikakasal na ako, paano na kami magkikita? Paano na ang relasyon namin? Iyong mga ginagawa namin noong hindi pa ako kasal, hindi na namin magagawa ngayon dahil si Gwen na ang lagi kong makakasama.
Hindi naman pwedeng lagi ko siyang isama sa mga trips namin ni Gwen, baka mag-selos naman yung isa at makahalata. Sinisisi ko din naman ang sarili ko eh, bakit ko kasi naisipan na magpakasal? Para akong nag-handa ng isang bato na ipupukpok ko sa ulo ko. I'm sorry Kiro, I was pressured that time.
Noong mga oras kasi na iyon, lagi na akong tinatanong ng parents ko kung kailan ko yayayain si Gwen na magpakasal. Hindi ko naman alam na ready na siya noon eh. Akala ko ay hihindi pa siya dahil para sa akin ay maaga pa naman para magpakasal. I know, it was a wrong move. Really a wrong move for me. Kaso nandito na ako eh, bahala na si Darna sa kalokohan ko.
"Bakit ka kasi nagyaya magpakasal? Alam mo naman na tayong dalawa ang magpapa-kasal hindi ba? Naka-plano na tayo eh, alam mong lilipad na tayo ng ibang bansa para magpakasal tapos ganyan?! Bahala ka, ayusin mong mag-isa iyan!" sabi ni Kiro sa akin habang nasa kabilang linya.
"Kiro, alam ko naman ang mali ko eh. Alam ko na nabigla ako noon, hindi ko dapat ginawa iyon eh. Akala ko kasi ay hi-hindi siya sa offer ko, malay ko ba na papayag agad siya. Aayusin ko ito, huwag ka mag-alala ha?" sabi ko kay Kiro.
"Dapat talaga na maayos mo iyan. Ilang taon na tayong nagtatago Quin, hindi ko na rin kaya. Baka kapag hindi ka pa naglabas ay ako na ang magsabi sa pamilya mo kung ano ang totoo. Mahal kita pero kailangan na nating magpakatotoo sa mga sarili natin at sa mga taong nakapaligid sa atin. Matagal na natin silang niloloko, tama naman na sigurong oras iyon," sabi ni Kiro sa akin pagkatapos ay binaba na niya ang tawag.
Tama si Kiro, kailangan ko na itong maayos hanggang hindi pa kami kinakasal. Sana lang talaga ay maintindihan ako ni Gwen, alam kong hindi ito magiging madali para sa kanya o sa aming dalawa pero kailangan ko na magpakatotoo.
Ilang saglit pa ay tumunog ulit ang cellphone ko, akala ko ay si Kiro iyon kaya excited pa akong sagutin pero nawala ang mga ngiti ko noong nakita ko na si Gwen pala ang natawag. Ano na naman kaya ito? Pagod na ako, pagod na akong magsinungaling sa kanya. Naaawa na nga ako sa kanya eh. Kailan ka ba bibitaw, Gwen?
Inayos ko muna ang boses ko saka ko sinagot ang tawag.
"Yes, my love? Ano po iyon? May inaayos pa ako dito sa office. May kailangan ka ba? May gusto ka ba? Ipabili mo na lang sa kasambahay natin tapos ako na ang bahalang magbayad mamaya," sabi ko sakanya pero wala naman talaga akong ginagawa sa office.
"No, wala naman akong kailangan o gusto. It's just that nandito ako sa sa labas ng office mo kasi gusto ko sanang lumabas tayo for lunch. Kaya ba ng schedule mo, love? Pwede namang hindi pero kasi miss na kita eh, miss mo na rin ba ako?" sabi ni Gwen with a cute voice.
Oh no, not again. Magkukunwari na naman ako sa mga bagay-bagay. I told her na hintayin na lang ako sa baba at kakain nga kami sa gusto niyang restaurant. Napailing na lang at napahilamos sa aking mukha dahil sa kalokohan ko. Calm down, Quin. Matatapos din ang lahat ng ito, konting tiis na lang. Promise!