THADDEUS POINT OF VIEW Matapos ang mahigpit na yakap ni Ginang Estella, hindi ko pa rin mapawi ang gumugulo sa isipan ko. Paanong sinabi ni Ginoong Alonso na nawala rin ang nakababata kong kapatid na si Mozzimo? Paano kaming pareho nawala gayong bantay-sarado raw ang mansion nila noon? "Anak, may gumugulo ba sa isip mo?" mahinahong tanong ni Ginang Estella habang hawak pa rin ang kamay ko. Hindi ko pa siya kayang tawaging "Ina" o "Mommy" sa ngayon, dahil tila may kulang pa. Parang may bahagi pa ng kwento na hindi ko pa alam. "Gusto ko lang pong malaman… paano ako nawala? Paano kaming pareho ni Mozzimo nawala sa inyo?" tanong ko, kita ko sa mga mukha nila ang gulat, pero bumuntong-hininga si Ginoong Alonso bago nagsimulang magsalita. "Ganito ‘yan, Thaddeus," panimula niya. "Ang pagkawa

