IKALABING-PITONG KABANATA

1259 Words

THADDEUS POINT OF VIEW Humahangos akong naglakad patungo sa bahay na kinalakihan ko sa probinsya. Ramdam ko ang bigat ng katawan ko, hindi lang dahil sa pagod kundi dahil sa kaba at lungkot na bumabalot sa dibdib ko. Pagdating ko sa harap ng bahay, nakita ko si Tatay—nakaupo siya sa kanyang lumang tumba-tumba, nakapikit, at mahigpit na hawak ang dyaryong luma na at gusot na gusot na. Kahit pa luma at paulit-ulit niyang binabasa, hindi niya ito magawang itapon. "Tay, nakahingi po ako ng ulam kay Aling Tarsing. Kain na ho tayo. May kanin pa po ba tayo?" tanong ko, pero hindi siya sumagot. Lumapit ako sa platuhan at kumuha ng mangkok. Sinilip ko rin ang kaldero—may natira pang kaunting kanin, halos isang gatang lang. Sinandok ko iyon sa plato at dinala sa mesa. Bigla akong napalingon ka

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD