SERONA POINT OF VIEW "Hoy, Rona! Sabi ko sa'yo, mawawala 'yang galit mo kapag nakita mo ang pamilya mo. Taas kasi ng pride mo!" sabi ni Yllah habang nasa sasakyan kami, pauwi na ng Maynila. Napatingin ako sa kanya bago muling ibinaling ang paningin sa bintana. Pinagmasdan ko ang dumadaang mga ilaw sa daan, ngunit sa isip ko, bumabalik ang mga alaala ng nakaraan. "Hindi ko masasabing hindi pa ako galit kay Nanay," sagot ko sa mahinang boses. "Pero sa mga kapatid ko, hindi ako galit. Wala naman sila noong sinasaktan ako ni Nanay at Tatay." Saglit na natahimik sa loob ng sasakyan hanggang sa biglang nagsalita si Thaddeus. "Anong plano mo ngayon, Serona? Babalik ka pa ba sa probinsya n’yo?" tanong niya habang nakatingin sa daan, abala sa pagmamaneho. Bumuntong-hininga muna ako bago suma

