THADDEUS POINT OF VIEW Pagkaalis ni Serona sa condo ko, agad akong naligo at nagbihis. Kailangan ko nang umuwi sa mansyon—siguradong hinahanap na ako nina Mom at Dad. Minsan pakiramdam ko, parang bata pa rin ako kung bantayan at i-monitor nila. Pagdating ko sa mansyon, agad kong napansin na bukas ang main door. Napakunot ang noo ko—hindi karaniwang nangyayari ito. Mabilis akong naglakad papasok, at pagpasok ko sa sala, sinalubong ako ng tawanan at masiglang usapan. Marami silang tao sa loob. Napatigil ako sa may pintuan, nakakunot ang noo habang pinagmamasdan sila. Maya-maya pa, napansin ako ni Dad. Huminto ang usapan at sabay-sabay silang napalingon sa akin. "Oh, andito ka na pala, Thaddeus. Bakit hindi ka umuwi kagabi?" tanong ni Dad, halatang nagtataka. Lumapit ako sa kanila nina

