SERONA POINT OF VIEW Nagising ako nang alas-singko ng umaga na may kakaibang pakiramdam—parang may nakatitig sa akin. Pagdilat ko, nakita ko si Yllah, nakaupo sa paanan ng kama ko na parang multong naghihintay ng pagkakataon para takutin ako. Dahil sa gulat, wala sa loob kong sinipa siya. Tuluyang nagpagulong-gulong siya pababa, at bumagsak nang may tunog pang THUD! sa sahig. "Aray naman, Rona! Ang sakit!" reklamo niya habang sapo ang likod niya, halatang nagulat din sa biglaan kong wake-up kick. Napahalakhak ako, hindi ko na napigilan. "Eh bakit ka ba kasi nandyan? Akala ko kung anong elemento na 'yan!" sagot ko habang pilit na pinipigil ang pangalawang bugso ng tawa ko. "Gigisingin nga kita! Kailangan nating maaga umalis, sabi ni Thaddeus. Medyo malayo pa raw yung probinsya n’yo,"

