SERONA POINT OF VIEW "Aray, Tay! Tama na po! Nasasaktan ako!" Paulit-ulit akong nagmamakaawa habang mahigpit niyang hinahawakan ang buhok ko. Pilit kong hinahawakan ang kamay niya upang pakawalan ang pagkakakapit, pero mas lalo lang niyang hinigpitan. Pakiramdam ko, parang malalagas ang anit ko sa lakas ng pagkakahatak niya sa akin. Umiiyak ako. Nanginginig. Pero kahit anong pagmamakaawa ko, hindi niya ako pinakikinggan. Tuloy-tuloy lang siya sa paglalakad, kinaladkad ako pauwi sa bahay na parang isang walang kwentang gamit. Pagdating namin sa harap ng bahay, napatigil ako sa pag-iyak nang makita ko si Nanay. May pag-asa sa puso kong baka tulungan niya ako, baka pigilan niya si Tatay—pero hindi. Tiningnan niya lang kami saglit at saka bumaling sa kabilang direksyon, tila walang pakial

