"Prinsesa Meriyah, handa na po ba kayo? Ipinapatawag na po kayo ng mahal na Haring Arthur," bumalik sa kasalukuyan ang pag-iisip ni Meriyah nang marinig niyang may nagsalitang kawal sa labas ng kanyang kwarto kaya naman nagkatinginan silang dalawa ni Dolly. "Oras na po," nakangiting wika ni Dolly kay Meriyah. Pinagmasdan ni Meriyah ang kanyang sariling repleksyon sa salamin. Ang tuwid niyang buhok ay bahagyang kinulot ng isang kagaya niyang sirena na nagsisilbi sa palasyo. Halintulad ito sa alon ng dagat. "Ngumiti ka na po Prinsesa Meriyah. Ngayon iaanunsyo sa buong Atlantis ang pagiging tagapagmana mo ng trono," dahil sa sinabi ni Dolly ay napangiti naman si Meriyah saka hinaplos ang ulo ng kaibigan niyang gold fish. Dahil sa gusto ito ni Dolly ay napapikit ito saka lumangoy paikot kay

