Buong araw na parang may fiesta sa mansyon. Nagsalo-salo kaming lahat sa pagkain. Ang bait bait nilang lahat sa akin. Dahil wala akong maalala inalalayan nila ako. Tinuor ako ni Janine sa buong bahay para hindi raw ako mawala. Dinala niya rin ako sa magiging kwarto ko. Sobra talaga akong namangha. Napakalaki ng kwarto ko. Parang isang buong bahay lang. May sarili akong living room sa loob na naka-hiwalay sa kama ko. Paano ko ba ie-explain? Hmmm... Pagpasok mo sa loob, una mong makikita ang malaking kama. Tingin ko kasya ang isang buong pamilya sa laki nito. May terrace din sa loob. Napakaganda talaga. Tanaw ko mula roon ang magandang hardin sa harap ng bahay. Kaharap ng kama ay ang nakahiwalay na living room. It was seprated by a wooden wall and door but maki

