*Ally/Alexa's POV Lumabas na ako ng kwarto at nagtungo sa baba. Pinilit kong kalimutan ang nangyari kanina. Pagabi na. Siguradong naghihintay na sina Janine sa akin sa restaurant. Nang palabas na ng elevator, nagulat ako ng makita si Mr. Ramirez. Papasok ito sa loob. Dededmahin ko na lang dapat siya at aalis na ng hilahin niya ako papasok sa loob ng elevator. I tried to escape but I was too late. Sumara na ang pinto. Napapikit ako. Ano ang gagawin niya sa akin? Papatayin niya ba ako? Sasakalin? "Why are you scared tuwing nakikita mo ako?" natatawa niyang tanong. "Are you hiding something? Something that I shouldn't know?" Tumingin ako aa kanya. "A-anong ibig mong sabihin? Paano ako hindi matatakot sayo kung gan

