48: Party Dahil sa biglaang pag buhos ng ulan ay nanatili na lamang sila Savanah at si Caleb sa nasabing rest house at napag isipan na doon na lamang muna sila hanggang sa hindi pa natatapos ang pag bagsak ng malakas na ulan. Wala rin naman may ginawa si Savanah kundi ang manatili sa isang guest room na binigay sa kaniya ni Caleb ngunit maya't maya ay tinatawag naman siya ni Caleb upang utusan dahilan na hindi ito makapag pahinga nang maayos. Magkasama rin naman si Felice at si Savanah sa loob ng silid nito habang nag uusap lamang tungkol sa nangyari sa city at sa laboratory lalo na ang nangyari at naging issue sa isa nilang factory dahilan upang makwento rin ni Savanah ang nangyari at ang naging kasunduan nila ng CEO na ama ni Caleb na binibigay ang pinakamataas na posisyon sa kaniya up

