10: An Invitation
"Magbibigay rin naman pala si loko," nakangiting bulong ko sa aking sarili habang naglalakad palabas ng wine cellar building.
Nakuha ko ang number ni Caleb pero ayaw niyang tanggapin ang sa akin. Wala namang problema iyon dahil magkakaroon naman siya ng contact ko kapag nakapag-text na ako sa kaniya. Sana lang talaga ay payagan ako ni Sir Tristan kapag maulit ulit ang ganitong mga pangyayari.
Nang makabalik na ako sa shop namin ay pasado alas-kwatro na ng hapon. Six in the evening sumasara ang wine shop kaya naman pwede pa akong magtrabaho ng dalawang oras.
“I didn’t know Caleb would do that, Sav,” natatawang pahayag ni Sir Tristan. “He’s allergic to woman.”
“Uh, may I know the reason behind that, Sir?” pagtatakang tanong ko pa.
Sa nagdaang sampung-taon, sobrang daming nagbago kay Caleb na hinding-hindi ko maipagkakaila. He used to be the jolly and happy kid I knew at naniniwala talaga akong hindi lahat ng mga mayayamang batang lumalaki ay nagiging arogante at malamig pero I just witnessed one now, it’s Caleb.
Napabuntong-hininga na lang sa akin si Sir Tristan sabay tapik sa balikat ko. “I think it’s appropriate if you’re gonna ask him personally about that, Sav.”
“Sabagay, Sir…”
“I think you’re an exception, Sav,” nakangiting sambit pa niya at tuluyan nang pumasok sa personnel room namin.
Pagkatapos ng trabaho namin ay niyaya na ako ni Pearl na mag-dinner sa labas. Dadalhin niya raw ako sa isang sikat na street food kiosks kaya sumunod na lang ako. It’s been a while since I had something like that.
“Kumakain ka ba ng isaw, Sav?”
Napatango naman na ako kay Pearl. “Oo naman, Pearl. Isa nga ‘yan sa paborito ko, e. Gusto ko rin ang betamax.”
Dinadala rin kami dati ni mama noong mga bata pa kami sa mga nagbebenta ng streetfoods. Madalang nga lang dahil hindi naman healthy ang ganitong mga pagkain kaya once every quarter is okay na.
Umupo na kaming dalawa ni Pearl sa isa sa mga table rito. Mabuti na lang dahil hindi masyadong marami ang tao rito ngayon. “It’s been a while since I had to taste something like this,” nakangiting pahayag ko habang kumakain kaming dalawa.
“Ay, don’t worry, Sav. May kasama ka na palagi sa pagkain.” Tinapik na rin niya ako sa bandang balikat. “Siya nga pala, may event sa susunod na araw sa kompanya, excited ka na ba sa guest natin?”
Bahagya naman akong napatigil sa pagkain dahil wala naman akong alam sa ibig sabihin ni Pearl na tungkol sa magiging guest namin.
Napa-iling na ako sa kaniya. “Hindi, e. Ano’ng event ba ang meron?”
“Ay! Wala ka nga pala kanina…” anito habang tumatawa. “Basta may event kasi at dadating ang girlfriend yata ni Sir Caleb—”
“May girlfriend nga siya!?” hindi makapaniwalang usal ko kay Pearl.
Ayoko kasing maniwala na magkakaroon ng girlfriend si Caleb sa kasalukuyang ugali niyang pinapakita. Pero, we never know…ako nga nagkagusto kay Trev kahit na alam komg may iba siyang gusto, si Caleb pa kaya.
Napakibit-balikat na lang sa akin si Pearl sabay subo ng isang stick ng isaw. “Hindi ko nga rin alam, e. Tingnan na lang natin.”
“Ayon lang…”
Umuwi na rin kaming dalawa pagkatapos naming kumain. Parang nagsisi tuloy ako na hindi ko tinanggap ang perang ibinigay sa akin ni Caleb in exchange for his number dahil medyo malayo pa ang sahod at wala na akong pera. Nahihiya rin naman akong manghiram kay Trev at siya na lang palagi ang tumutulong sa akin.
Bagsak din naman kaagad ako pagkatapos kong makapagbihis ng damit-pantulog dahil pagod din naman ako sa trabaho kanina. Hindi ko alam kung saan na ako papunta ngayon pero ang importante umuusad ako at I’m surviving for myself.
“Hello, bestie? Pwede bang makahiram ng pera?”
Kinapalan ko na lang ang mukha ko dahil wala na akong pangbili ng pagkain ko kapag hindi pa ako nanghiram kay Trev.
“How much do you need, Sav? At bakit ka lang ngayon nagsabi? What did you eat for the past few days?”
Napataas na lang ang kilay ko dahil ang daming tanong nito ni Trev sa akin bago magpahiram ng pera niya. “Hangga’t alam mong humihinga pa ako, ibig sabihin may kinakain pa ako, bestie, okay? Pahiramin mo muna ako ngayon at babayaran na lang kita pagdating ng sahod ko.”
“Sige, pupuntahan kita sa apartment mo. Send me your address and I’ll also drop you off to work para alam ko.”
“Ala!”
“Do you want some money or not?”
“Gusto…” Napasinghal na lang ako rito habang naririnig ko siyang tumatawa sa kabilang linya. “Fine! Sige na, send ko sa’yo ang address ko. Pero bilisan mo, ah? Papasok pa kami sa trabaho mamaya.”
“Alright! Bye!”
Ibinaba ko na rin ang tawag habang nakasabit ang tuwalya sa balikat ko. Maliligo pa lang ako dahil sobrang aga pa lang naman. Hindi ko nga alam kung gising na rin ba si Pearl sa mga oras na ‘to.
Pagkatapos kong maligo ay isinuot ko na ang uniform namin sa shop. Dahil assistant manager ako, mas complex ang uniform ko kaysa kay Pearl. Ang black and white corporate attire namin ay dinagdagan ng beige color ang mga kwelyo namin na may logo ng kompanya.
“Sav? Sav?”
“Sandali lang, Pearl! Patapos na ako rito,” tugon ko habang nagsusuklay na ng buhok ko.
“May naghahanap dito sa’yo sa labas. Jowa mo ba ‘to?”
Nanlaki naman ang mga mata ko dahil mukhang nandito na nga si Trev at wala manlang pasabi sa akin. “Sige, lalabas na ako, Pearl.”
Dali-dali na akong nag-ayos ng buhok ko at naglagay lang ng lipstick at kaagad na ring lumabas. Nadatnan ko ang mga kasama ko rito sa apartment na nakadungaw sa bintana kaya for sure ay nandoon si Trev. Nang makababa na ako ay nadatnan ko siyang nakasandal sa sasakyan niya habang nasa tapat ng apartment. Pormadong-pormado ito kaya naman ay agaw-pansin siya ng mga tao rito.
“Sav!”
“Bakit naman para kang pupunta sa isang high-end party sa damit mo?” tanong ko sabay lapit na rin sa kaniya. “Ayan tuloy, pinagtitinginan tayo ng mga tao ngayon.”
Napangiti naman na siya sa akin at bumalik sa compartment ng sasakyan nito. Nagulat ako nang may mga dala siyang paperbag ng pagkain na sobrang dami.
“As what I’ve promised, I brought some breakfast for everyone!”
“Hindi mo naman kailangan—”
“Ineng, hindi ka naman nagsabing ang pogi pala ng jowa mo.”
Napalingon ako nang biglang lumapit sa amin si Ate Marj. Napangiti na lang ako sabay iling na rin sa kaniya. “H-hindi ko po boyfriend ito, Ate. Magkakaibigan lang po kaming dalawa.”
“Ayos lang iyan, ineng. Ganiyan din ako dati at strikto pa ang mga magulang ko kaya tago lang ang relasyon namin ng asawal ko,” nakangiting saad nito sabay lapit kay Trev. “Pumasok ka muna, iho. Hindi ganoon kalaki itong bahay pero welcome na welcome ka rito.”
“Thank you, tita,” nakangiting tugon sa kaniya ni Trev. “Let’s go, Sav.”
Napa-irap na lang ako at tuluyan na lang kaming pumasok sa loob. Sinalubong na siya ng mga kasama ko habang si Pearl naman ay panay ang senyas sa akin. “Wala ka naman sinasabing may ubod ng pogi ka pa lang jowa, Sav…” bulong niya sa akin.
“Tumigil ka nga riyan, hindi ko ‘yan jowa,” suway ko pa sa kaniya.
“That food is for everyone, don’t get shy,” pahayag sa kanila ni Trev.
Panay ang interrogate sa akin ng mga kasama ko hanggang sa makaalis na rin kaming dalawa ni Pearl papuntang trabaho. Hinatid na rin kami ni Trev sa shop kaya naman hindi na kami nagbantay ng jeep o kaya naman tricycle.
“Oy, Sir Trev, salamat po sa paghatid, ah? Pati rin po sa mga pagkain kanina,” ani Pearl nang makababa na kaming dalawa.
Nginitian naman na kami ni Trev. “It was nothing, Pearl. I’m glad you guys liked it.”
“Sige na, salamat din pala sa pagpapahiram sa akin ng pera, huwag kang mag-alala babayaran ko kaagad ito kapag nagkasahod na ako,” usal ko pa sa kaniya. “Huwag ka nang babalik do’n, ha? Baka sabunutan pa ako ni Lesley sa mga issue sa atin.”
“Don’t worry, my girlfriend won’t do something like that,” nakangiting pahayag nito. “I’ll go ahead. Take care always!”
“Bye, Sir!”
Pinagmasdan lang namin siya ni Pearl nang makaalis na ang kotse nito. Napa-iling na lang din ako at tuluyan na kaming pumasok sa loob ng shop.
Medyo naging abala ang buong umaga namin dahil sa dami ng customers na gustong bumili ng wine lalo na at parating na ang christmas season. Ito pala ang unang magiging christmas ko na wala manlang akong kasamang pamilya. I would feel bad pero wala naman akong magagawa.
“Hey, Sav!”
Napalingon ako kay Sir Tristan nang tinawag niya ako. Katatapos lang kasi naming mag-lunch at medyo wala nang customer. “Sir, ano po iyon?”
“Have you heard about this?” May iniabot siyang parang invitation sa akin. It was a nude-paperlike invitation.
“Ano po ito, Sir?”
Binasa ko na ang nandoon sa loob at nagulat ako sa nakita ko.
“Yes, Sav. After the said event tomorrow, there will be a competition within the company and whoever wins, magiging assistant ni Caleb sa laboratory in contractual.”