41: Dazed Pawis na pawis si Lesly pagkatapos ng pag shoot nila sa isang beach resort at dahil nga rin sa pag sakit ng ulo niya ay mabilis siyang nav request sa manager niya at pati na rin sa crew ng photographer nila na tumigil na muna sa ginagawa nilang photo shoot. Ang totoo kasi nyan ay hindi pa rin niya nasasabi sa kaniyang manager na uminom siya kagabi kaya ganoon ang nangyari na sumasakit ang kaniyang ulo pati na rin ang kaniyang katawa at pagod na pagod siya sa buong pag shoot. Ilang beses na rin naman siya pinag alalahanan ni Jenny na wag na wag uminom kapag may schedule sila sa susunod na araw at nag kataon naman na kinalimutan na niya kaagad na may schedule pala sila sa kanilang shoot sa gabi bago sila nag inom ni Savanah. Natanggap din naman niya ang mga message kanina ng kai

