16: Answered Prayer Nagising ako dahil sa ingay ng mga kapitbahay namin sa labas ng apartment. Pasado alas-singko pa lang ng umaga ay aktibo na ang mga tao rito para magbanat ng buto para sa kanilang pamilya. Kung tutuusin nga ay dahil sa pagtira ko rito, mas lalo akong namulat sa buhay kung saan lumaki si mama. Mahirap, pero maraming masaya at kuntento sa ganitong klaseng buhay. "Good morning, Barangay Masagana!" masayang sambit ko sabay tumayo at marahang ininat ang aking katawan. Hindi manlang ako nakaramdam ng kahit anong bigat na nararamdaman at kaba ngayon dahil parang mananalo talaga ako. Sana huwag naman akong ma-disappoint nitong confidence ko. Inayos ko na ang higaan ko at pagkatapos ay naligo na rin. ako para makapagbihis na ng dait papunta sa awarding ceremony sa kompanya.

