Habang patuloy sa pag uusap ang dalawa sa terrace ng bahay ay patuloy din ang ingayan sa baba nga bahay sa yard nito. Habang nag sasalita naman ang dalawa ay naka tingin lang din naman silang dalawa sa baba kung saan nagaganap ang nasabing party ngayon ng birthday ni Caleb. Nakita rin naman kaagad ni Savanah si Caleb kasama si Georgia na nakatayo malapit sa kung saan nag titipon ang ilan sa mga business partner ni Anthony Montague kasama na rin ang chairman. Kanina pa rin naman ang mga iyon na nag titipon na parang may seryosong pinag uusapan kasama ang kanilang mga kaibigan ngunit lumipas ang ilang minuto ay naisip din ni Caleb na umalis doon kasama si Georgia. “You know, everyone here wants to talk to you. Ba’t ayaw mong mag try na guala gala muna ako na ang mag babantay kay Oreo sa taa

