46: His Mood Swings Gumbala sa pag tulog ni Savanah ang ingay sa kabilanv unit niya at kaisa isang tao lang naman ang nasa kaliwang bahagi ng pader niya at si Caleb iyon. Napabangon naman na naiinis si Savanah mula sa kaniyang higaan, sabay na sinuot ang cardigan nito at lumabas ng kaniyang unit. Nagtataka lang talaga siya kung bakit bigla na lamang nag iingay si Caleb dahil hindi naman mahilig sa mga ganoon ang pag kakilala ni Savanah kay Caleb. Nang makarating siya sa harap ng pinto ni Caleb ay kinatok naman ito ni Savanah nang napakalakas at sabay na hinampas hampas ito, sa loob naman ng unit ni Caleb ay nagtaka ito kung bakit bigla na lang gumapok ang kaniyang pinto kaya agaran din naman niyang pinatay ang speaker nito at nag tungo sa kaniyang pintuan. Si Savanah naman na nakatayo

