Nasa bus terminal si Marco at hinihintay ang kanyang kamag-anak. Luluwas kasi ito ngayon para ibigay sa kanya ang mga dokumento ng kanyang pumanaw na tiya. Dokumento ito ng bahay na pinapaupahan nito noon na ngayon siya na ang nagmamay-ari. “Ahhh! Magnanakaw. Magnanakaw. Tulong! Ninakaw niya ang bag ko!” Napatingin siya sa babaeng sumisigaw habang hinahabol nito ang isang lalaking tumatakbo at may hawak na bag. “Mananakaw! Pakiusap, ‘yong gamit ko. Kahit sa ‘yo na ‘yong bag, huwag lang ‘yong pera ko,” sigaw nito sa magnanakaw. Gusto niyang matawa sa sinabi ng babae. Sa tingin nito bakit nagnanakaw ang isang tao? Para makakuha ng pera. Malamang pera ang gusto nito, aanhin naman nito ang bag kung wala naman itong pera. Napailing na lang siya sa kabaliwan nito. Nagagawa pa nitong magb

