Habang tumatakbo si Hope ay hindi na niya namalayan na may isang babae pala siyang mababangga. Sa sobrang lakas nang pagkakabangga nila ay bumagsak ito sa sahig. Nabalik lang si Hope sa reyalidad nang marinig niya ang pag-aray nito. Agad niya itong tinulungan tumayo. “Pasensya na po. Psensya na po talaga. Hindi po ako nakatingin sa daan kaya ko po kayo nabangga. Humihingi po ako ng pasensya sa inyo, ma’am.” Ilang beses siyang yumuko para humingi lang ng pasensya dito. Napapikit siya nang mariin dahil ito na ang ika-dalawang beses na nakabangga siya ng taon. Hindi niya alam kung nakatdhana ba na makabangga niya ang mga ito o sadyang tanga lang siya at hindi tumitingin sa daan. “It’s okay. It’s okay, Hija. Okay lang naman ako. So, no need to worry.” Tumitig ito sa kanya. “Mukhang

