NANG maggising si Liv ay wala na si Rafe sa tabi. Pero hindi kagaya ng dati ay hindi siya naggising sa kanyang kuwarto. It was the same room she slept last night. Ang kuwarto nila ni Rafe. Hindi siya inilipat nito. Pinakiramdaman ni Liv ang sarili. Maayos ang pakiramdam niya sa kabila ng mga nangyari kahapon. Wala rin siyang lagnat kahit medyo matagal na nababad sa lamig. Nakahinga siya nang maluwag. No signs. Pero nang makita ang oras sa orasan ay napapitik siya sa ere. Lagpas alas siyete na ng umaga! Huli na siya sa kanyang daily routine. Ang alam pa naman niya ay papasok na muli si Scarlett ngayong araw. Kahapon ay tinawagan siya ni Therese at ipinaalala ang family day ngayon sa school ni Scarlett. Kung kaya na raw ni Scarlett ay sana ay maka-attend raw ito sa program, lalo

