PUMABOR kay Liv ang mga sumunod na araw. Ipinakilala na siya ni Rafe sa lahat. Nagulat ang mga kasambahay pero tinanggap na rin naman siya. Natupad ang pangarap ni Liv. Nakasama niya ang pamilya niya. Nakilala na siya ni Scarlett bilang Mommy nito at bonus pa ang ipakilala rin ni Rafe bilang asawa nito. Sa loob ng tatlong taon na labas pasok si Liv sa ospital ay palagi niyang iniisip kung may pag-asa pa ba na makasama niya muli ang pamilya. Ang makabalik sa mga ito kagaya ng dati. Halos araw-araw siya na umiiyak ngayon dahil nagkatotoo na ang mga iyon. She felt so really blessed. Ang lahat ng nangyayari kay Liv ay tila isang milagro. Naging malapit pa sila ni Scarlett sa isa't isa. Araw-araw ay tumutulong ito sa kanya sa pagluluto. Halos hindi na nga siya lubayan ng anak. She

