Two Days Later "SIGURADO ka ba na gusto mo ng papasukin ang asawa mo sa buhay mo, Olivia?" seryosong tanong ng Yaya Ester ni Liv sa kanya. Kalahating araw pa lamang simula nang makarating siya sa America. Sila ni Rafe. Hindi ito pumayag na umalis siya na hindi ito kasama. Nagpa-charter pa ito ng flight papunta roon. Natawa si Liv sa tanong. "Yaya, hindi ba dapat na siya ang nagtatanong niyan sa akin? I hurt him. I hurt them." "Alam ko. Pero makakaya mo ba, Liv? Sabi mo ay maayos na kayo ni Scarlett. Pero kayo ni Rafe? Sinamahan ka niya ngayon pero sign na ba iyon na dumating na ang araw na isa pang inaantay mo? Ang mahalin ka rin niya?" "Maaaring hindi na iyon dumating, Yaya. Pero sapat na sa akin ang makasama siya saka si Scarlett. Mahal ko naman sila. Mahal ako ni Scarlett.

