Chapter One

1827 Words
THIS time, it's for sure, Gella. Kinabahan si Gella nang matanggap ang text na iyon mula kay Kelvin na patago niyang binabasa sa ilalim ng mesa. Nasa restaurant siya ng isang hotel at ka-dinner si Gian Madrid—isang kilalang negosyante—na nakilala niya sa pamamagitan ni Kelvin. May sinagot na tawag si Gian at lumayo muna ito kaya nakakapag-text siya kay Kelvin na naroon din sa restaurant na iyon at may ka-date din. Sinasadya nilang pagsabayin ang kanya-kanyang date para mabantayan ang isa't isa. Don't slouch! Awtomatikong napaderetso si Gella ng upo dahil sa text ni Kelvin. Lumingon siya sa paligid hanggang sa dumako ang tingin niya sa lalaking nasa likuran niya. Likod pa lang ng lalaki ay sigurado na siyang si Kelvin iyon. Kung paano siya nito nababantayan gayong nakatalikod ito sa kanya ay hindi niya alam. T-in-ext niya si Kelvin. Kelvin, kinakabahan ako. I don't know what to do. It's not like it's your first time going out on a date. Remember this: Look into his eyes when he's talking and smile at him as if you want to be the mother of his child! Nakagat ni Gella ang ibabang labi upang hindi matawa. Magta-type pa sana siya ng isasagot dito nang makita niyang pabalik na sa mesa si Gian. Dali-dali niyang itinago sa clutch bag ang cell phone at ngumiti kay Gian pagkaupo nito. Gian smiled apologetically at her. "Pasensiya ka na, Gella. I had to take that call." "Okay lang. Naiintindihan ko naman kung ga'no ka-busy ang tulad mo. Nagpapasalamat nga ako, nakapaglaan ka pa ng oras para sa date na 'to." "Well, I'm surprised you understand." Bahagyang kumunot ang noo niya. "What do you mean?" Nagkibit-balikat ito. "You're Kelvin's best friend. Being friends with that lazy bastard made me think you were more used to carefree guys. And I also expected you'd be amazed to meet a responsible man like me." Nag-freeze yata ang ngiti niya. Napakaarogante pala ng walanghiyang ito! At ang kapal ng mukha nitong laitin si Kelvin sa harap niya! "Hindi ba't kaibigan mo rin si Kelvin?" Sumimsim muna ito ng wine bago sumagot. "Not really. Pumayag lang naman akong i-date ka dahil junior ko si Kelvin sa business school noon. At gusto kong makita kung anong klaseng babae ang nakatagal sa mokong na 'yon nang mahigit sampung taon. You're pretty amazing, sticking with a good-for-nothing bastard like him." Kumunot ang noo niya. "Excuse me?" May kung anong kumislap sa mga mata ni Gian, kasabay ng pagtatagis ng mga bagang. "Alam nating lahat kung ga'no kairesponsable si Kelvin. Kung hindi pa dahil sa ama niya, hindi siya magkakaroon ng kung ano mang meron siya ngayon. What a lucky asshole he is to be the eldest son of Anthony Chen." Naiintindihan na ni Gella kung bakit ganoon ang mga pinagsasasabi ni Gian. Naiinggit ang mokong na ito sa lahat ng mayroon si Kelvin! Totoong tamad si Kelvin at iresponsable dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin nito sineseryoso ang pagiging CEO ng kompanya nito kahit matagal nang ipinasa ng ama nito ang posisyon dito. Pero... "Hindi mo naman kailangang insultuhin si Kelvin dahil lang sa inggit mo," nakasimangot na sabi niya. Nagsalubong ang mga kilay ni Gian. "What?" Ikinuyom niya ang kanyang mga kamay. Dahil sa ugaling ipinakita ni Gian sa kanya ngayon, handa na siyang kalimutang nagustuhan niya ang impaktong ito at minsan sa buhay niya ay naisip niyang perpekto itong maging asawa dahil matagumpay at responsible ito. May malaki naman pala itong inggit sa magandang buhay na tinatamasa ng ibang tao. "It's true that Kelvin is carefree, immature, irresponsible and that he can also be stupid sometimes." Napangiwi siya sa mga pinagsasasabi niya. Bakit ba ang daming palpak na ugali ni Kelvin? Gayunman, gumagana pa rin ang protective side niya para dito. "Pero sa kabila n'on, mabuti siyang tao. Mahal na mahal niya ang pamilya niya at handa rin siyang protektahan ang mga 'yon. Siguro, kailangan lang natin siyang bigyan ng kaunti pang panahon para mag-mature. Sana lang, huwag mo muna siyang husgahan." "Or maybe he's good in bed. Wala na kong ibang nakikitang dahilan para ipagtanggol mo si Kelvin bukod do'n. You must be his little w***e," nababagot na konklusyon ni Gian. Walang pagdadalawang-isip na dinampot niya ang baso ng tubig sa mesa at isinaboy ang laman niyon sa mukha ng bastos na lalaki. *** PASIMPLENG nilingon ni Kelvin si Gella. Nakapuwesto ito sa mesa sa likuran niya at nakatalikod ito mula sa kanya. Gayunman, naaaliw pa rin siyang pagmasdan ito. Halata sa mga balikat nito na tensiyonado ito. Gusto niya itong lapitan at bigyan ng masahe para kumalma ito. Napangiti siya nang maalala kung paanong parang batang nakiusap ito sa kanya na ipakilala niya ito kay Gian. Sa totoo lang, wala siyang tiwala kay Gian dahil kahit noong nasa kolehiyo pa lang sila ay masama na ang trato ng gagong iyon sa kanya. Pero inisip na lang niya na maaaring nagbago na ito dahil tumanda na ito. Hindi kasi niya kayang tanggihan ang hiling ni Gella. Nangako sila sa isa't isa noon na magtutulungan silang hanapin ang mga nakatakda para sa kanila.Kung si Gian ang nakatakdang lalaki para kay Gella— Hindi ko matatanggap 'yon! She's too good for that bastard! Pinagbigyan ko lang si Gella dahil ayokong magtalo kami at ayokong makita siyang malungkot. Pero sa tamang oras, ipapakita ko rin sa kanya na gago 'yang si Gian, mabilis na kontra ng isang bahagi ng isip niya. Sa ngayon, babantayan at poprotektahan niya si Gella sa malayo. Matalino ito kaya alam niyang makikita agad nito ang tunay na ugali ni Gian. "Kelvin, are you listening?" Napilitan si Kelvin na harapin ang date niya, si Catherine. Nakilala niya ito sa isang party ng kliyente ng kompanya nila na dinaluhan niya. Nabighani siya sa ganda nito at naisip niyang akma ito sa hinahanap niyang ideal girl—maganda, mabait, at charming. Pero habang dumadalas ang pagde-date nila, nagiging napaka-demanding nito sa oras at atensiyon niya. Okay lang sana iyon sa kanya, kaya lang ay nagsimula na itong humingi ng mga mamahaling regalo. Hindi sa hindi niya iyon kayang ibigay rito. Hindi rin niya sinasabing masama iyon. Nasanay kasi siya sa kasimplehan ni Gella. Naninibago lang siguro siya. Ngumiti siya. "Sorry, babe. Ano nga uli 'yong sinabi mo?" Nagsalubong ang mga kilay nito, halatang hindi nagustuhan ang kawalan niya ng atensiyon dito. Lumagpas ang tingin nito sa kanya at parang may sinilip sa likuran niya. Pagkatapos ay binigyan siya nito ng nang-aakusang tingin. "Si Gella ba 'yon, 'yong best friend mo?" Nakangiting tumango siya. "May date siya at hindi ko na siya kailangang i-chaperone. I'm so proud of her. Alam mo ba no'ng eighteen siya, may nagyayang makipag-date sa kanya? At sa unang pagkakataon, isinama pa niya 'ko. Takot pa kasi siyang mapagsolo kasama ang ibang lalaki. That was hilarious, and she was so cute..." Napahinto siya nang magsalubong ang mga kilay ni Catherine. Tumikhim siya. "You're very beautiful tonight, Catherine." Nanatili itong nakasimangot at parang walang balak magpaamo sa kanya. "How can you stay friends with that woman?" "Please don't speak of her that way," nakangiting pakiusap ni Kelvin dito. Itinirik ni Catherine ang mga mata nito. "Hindi ko maisip kung paanong ang isang babaeng tulad niya na nanggaling sa mahirap na pamilya ay naging kaibigan ng isang tulad mo na nagmula sa prominenteng angkan. Mag-isip ka nga, Kelvin. Baka kaya lang siya nakikipagkaibigan sa 'yo ay dahil sa pera mo." Tumaas ang isang kilay niya. "Hindi gano'ng klase ng babae si Gella. Fourteen pa lang ako, kilala ko na siya." "Nagbabago ang tao, Kelvin. Imposibleng pagkakaibigan lang ang habol ng babaeng 'yon sa 'yo. You're a good catch. You're handsome, rich, and young. Kung hindi ka niya pipikutin, baka magulat ka na lang isang araw, sinasamantala na pala niya ang kabutihan mo. That woman is probably a gold digger." Ikinuyom niya ang kanyang mga kamay. Humugot siya ng malalim na hininga para kalmahin ang sarili. Kahit si Catherine pa ang pinakamagandang babae sa mundo, hindi niya ito mapapatawad sa pang-iinsulto kay Gella. Wala itong alam sa mga pinagdaanan nila ni Gella kaya wala itong karapatang magsalita nang ganoon. Ngumiti siya nang ubod-tamis. "Alam mo, Catherine, disenteng babae si Gella. At kahit pera ko lang ang dahilan ng pakikipagkaibigan niya sa 'kin, tatanggapin ko. Basta ba makasama ko siya. Pero hindi ako naniniwala ro'n. Hindi siya katulad mo." Sinampal siya nang malakas ni Catherine. Sa lakas niyon ay napatingin sa kanila ang ibang customer sa restaurant. Nanghapdi ang kanyang pisngi at sigurado siyang namula iyon tulad ng pamumula ng mukha ni Catherine sa galit. Nasaktan niya ito pero para kay Gella, handa siyang maging masama maipagtanggol lang ang kaibigan. "This dinner is over. So is our date," ani Kelvin sa malamig na boses. Eksakto namang pagtayo niya ay may narinig siyang ingay mula sa kabilang mesa. Paglingon niya sa pinanggalingan ng ingay ay kumunot ang noo niya. Si Gella iyon. Marahas itong tumayo kaya nabunggo nito ang mesa kaya umuga iyon. Pero bago pa ito tuluyang makaalis ay tumayo ang parang galit na si Gian at hinawakan sa braso ang babae. "Bitiwan mo nga ako," mariing sabi ni Gella na halatang nagpipigil sumigaw. Lumapit siya sa mga ito at marahas na inalis ang kamay ni Gian sa braso ni Gella. Tinapunan niya ng masamang tingin si Gian. Napansin niyang basa ang mukha at suit nito. Naisip niyang naiganti na ni Gella ang sarili nito sa kung ano mang kagaguhan ni Gian. Ayaw na niyang gumawa ng panibagong gulo dahil alam niyang ayaw rin iyon ni Gella. "Don't harass Gella. Hindi ko alam kung ano'ng nangyari, but I guess your date is over. Uuwi na kami," malamig na sabi niya kay Gian. Hindi na niya hinintay sumagot si Gian. Inakbayan niya si Gella at inakay palabas ng restaurant. Nagtaka si Kelvin dahil napansin niyang nakasimangot ito."Gellabs," aniya gamit ang endearment niya rito. Pinagsama niya ang pangalan nito at ang salitang "labs." "Bakit ka nakasimangot? Ano ba'ng sinabi ni Gian sa 'yo?" "Ininsulto ka niya sa harap ko." Tumawa si Kelvin. "Hindi ba't sinabi ko na sa 'yo na palagpasin mo na lang kapag may narinig kang pasaring tungkol sa 'kin? Hindi mo 'ko kailangang ipagtanggol. Pero, salamat." Kinagat ni Gella ang ibabang labi, saka yumuko.Hindi ito basta-basta malulungkot nang ganoon kung iyon lang ang sinabi ni Gian. "Gellabs, tell me. Ano pa'ng sinabi ng gagong 'yon sa 'yo?" Humikbi ito. "He called me a whore." "Ikaw naman, Gellabs. Bakit ngayon mo lang sinabi sa 'kin 'yan?" Binitawan niya si Gella at mabilis na pumihit pabalik sa restaurant. Sa buong buhay niya, ngayon lang siya nakaramdam na parang gusto niyang pumatay. Mapapatay niya si Gian sa pang-iinsulto sa best friend niya! Nang makita niya si Gian na kalalabas lang ng banyo ay walang sabi-sabing sinuntok niya ito sa mukha. Agad itong bumagsak sa sahig, duguan ang ilong. Hindi pa siya nakontento, hinila niya ito sa kuwelyo at saka sinikmuraan. "Kelvin! Stop!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD