NAKASIMANGOT si Kelvin habang nakatingin sa daring black dress na isusuot ni Gella sa party na dadaluhan nila. Maingat na nakalatag sa kama ang bestida. Sa tingin niya ay masyadong mababa ang neckline niyon. Ang mas ikinakainis niya, si Nuel ang date nito sa gabing iyon at hindi siya. Well, mayroon din naman siyang date. Pero hayun siya sa kuwarto ng best friend niya dahil gusto niyang makita ang isusuot nito bago iyon makita ni Nuel. Base sa naririnig niyang lagaslas ng tubig mula sa shower sa loob ng banyo, alam niyang naroon si Gella at naliligo. Sanay na ito sa paglalabas-masok niya sa bahay nito kaya hindi na ito magugulat kapag nakita siya nito roon. Mayamaya lang ay biglang lumitaw sa isip niya ang imahen ni Gella—ang makinis at hubad nitong katawan na dinadaluyan ng butil-butil n

