Magkahalong kaba at excitement ang nararamdaman niya sa mga sandaling iyon. Sa kauna-unahang pagkakataon ay magde-date sila ni Raven. Yes, date na ang itatawag niya sa pagyaya nitong ipasyal siya. At bakit hindi? Hindi ba ito naman talaga ang tawag sa babae at lalaking lumalabas? Nagde-date? Kinikilig na hinawi niya ang buhok na nakatakip sa namumulang pisngi. Kay tagal niya itong pinangarap! Ang maka-date ang lalaking tanging pinapangarap ng puso niya. Oh gees! Ito na! Ito na ba talaga!? Is this the beginning of their romance? Ayeh! Aniya sa sarili na pati yata kaliit-liitan ng balahibo niya sa katawan ay parang nakukuryente sa kilig sa pakiwari niya. Sa ganda at talino niya hindi pa siya kailanman nakaranas makipag date sa isang lalake. In fact, she never had a boyfriend. Dahil inilaan

