Napahawak ng sariling sentido si Shane pagmulat niya ng mga mata. Pakiramdam niya ay pinipiga ang ulo niya sa subrang sakit. Ito na marahil ang tinatawag nilang hang over. Kailanman ay hindi pa siya naglasing sa tanang buhay niya. Kagabi lang at ngayon nga ay sinisingil na siya ng katangahan niya. Wala na si Raven paggising niya, alam niyang pumasok na ito sa trabaho. Nakaramdam siya nang panlulumo. Gusto niyang masilayan ang guwapong mukha nito sa kanyang pag gising. Ipaghanda ng almusal at ihatid ng tanaw paglabas nito ng pinto. Ipinilig niya ang ulo, bakit ba siya umaasa pa rito? Gayon may ibang minamahal ang binata? Maiging kalimutan na lamang niya ang anumang damdamin niya para kay Raven dahil imposibleng magkagusto ito sa kanya. Pero paano naman niya kakalimutan ang lalaki kung

