Mira's POV
Ang bilis ng panahon, biruin mo dalawang linggo na pala akong nag tatrabaho kay Matteo.
Nan dito ako ngayon sa labas ng office ni Matteo, Sa may desk ni John. Breaktime naman kaya pwede akong lumabas.
"so ano na barbie gora ka ba?" tanong ni john secretary ni Matteo. Habang nag-aayos ng gamit.
Barbie ang tawag sa akin nito, mukha daw kasi akong manika. Niyaya kasi ako ni john na sumama mamaya. Mag clubbing daw kasi sila ng mga friend nito.
"pag-isipan ko muna. Alam mo naman kilangan kong magtipid. Malapit na kasi birthday ng anak ko."
Mabuti nalang at naging close kami ni john, kahit papano may nakakausap akong matino sa trabaho.
"minsan lang naman yun, tyaka treat ko naman basta sumama ka ha!" pagpupumilit nito.
"sige, pag-iisipan ko. Text kita mamaya pag makakasama ako." sagot ko dito
"hay, naku! Tara na nga muna! Jutom na ko." yaya sa kanya ni john.
Nan dito na kami sa lobby ng building, balak kasi naming sa karinderya sa may gilid ng building kumain, mas mura kasi doon.
Bigla akong napatigil sa paglalakad ng marinig ko ang pinag-uusapan ng mga empleyado sa may front desk ng lobby.
"ouch!" rinig niyang sigaw ni john. Bumangga kasi ito sa likod ko ng bigla akong tumigil maglakad.
"sssssshhhh, wag kang maingay." sabi ko diyo sabay hila sa braso nito upang magtago sa gilid. Sa hindi makikita ng mga nag-uusap. Gusto nyang marinig ang pinag-uusapan ng mga ito.
"alam nyo ba ang balita?" rinig niyang sabi ng babaeng blond ang buhok.
"yung, PA daw ni sir Matt, GRO daw?" pagpapatuloy pa nito.
Kita kong napa big "O" ang mga kausap nito.
"weh, di nga?" tanong nung babaeng maiksi ang buhok.
"oo, at balita pa, kaya daw naging PA yun ni sir Matt kasi, inakit nito si sir." pagpapatuloy ng babaeng blondy.
"siguro, nangangarap siya na totohanin siya ni sir, di nya alam pampalipas araw lang siya para kay sir." sabat nung babaeng nakasalamin.
Ilang beses na siyang nakakarinig ng masasakit na salita, pero iba pala talaga ka pag harap harapan na.
"hanggang pangarap na lang siya no! Di ba balibalita na ikakasal na si sir Matt kay ma'am Avory?" sabat ng babaeng maikli ang buhok.
Hindi ko alam kung bakit ako nakaramdam ng kirot sa dibdib ng marinig ko ang sinabi nito.
"hoy, barbie! Okay ka lang ba?" tanong ni john. Kita ko sa mata nito ang labis na awa para sa akin.
"gusto mo sabunutan ko yang mga atribidang chaka na mga yan? Sabihin mo lang." nakataas ang kilay nito habang sinasabi ang mga ito.
Tinaasan ko siya ng kilay. "ohh, bat nakataas yang kilay mo. Kala mo siguro di ko kayang gawin yun no? Aba subukan mo ko. Baka makalbo ko yang mga chaka na yan." pahayag nito na halos umusok ang ilong sa pagkukumbinsi sa akin.
Bigla akong napatawa. Dahil sa mga sinabi nito pati na din sa hitsura nito.
" anong nakakatawa? " taas kilay nitong tanong.
" sige nga, gawin mo nga. " paghahamon ko dito.
Alam ko namang di nya kayang gawin yung mga sinabi nito. Pano ba naman hindi pa kasi ito tuluyang naglaladlad. Maliban sa mangilan ngilan nitong kaibigan ay ako lang ang nakakaalam na dugong barbie ito at hindi dugong adonis.
Aksidente ko lang kasing nalaman na isa pala itong barbie, malakas kaya pang-amoy ko sa mga kalahi kong magaganda.
Bigla akong natigil sa pakikipag biruan kay John. Yung mga mahaderang chismosa ng planetang earthquake kasi nakatingin na sa gawi namin ni John.
Kitang-kita ko kung paano kiligin ang mga ito habang nakatingin kay John.
Ang kaninang inis ko sa mga chismosa ng planetang earthquake ay napalitan ng isang ngiti at ngisi.
Mukhang masarap asarin si John. Lalo na ngayong naghahanap ako ng mapagbabalingan ng inis.
"hoy, beks!" tawag ko dito.
"wag kang maingay baka may makarinig na tinatawag mo kong beks" takot nitong sita sa akin.
"bakit? May masama ba? Totoo namang beks kita ha!" tugon ko dito.
"beks, tignan mo ohh? Sayo ata nakatingin ang mga maharot na chismosa sa planetang earthquake. Tignan mo kinikilig ata sila sayo." pang-aasar ko dito. Hindi naman ako nabigo dahil nainis nga ito sa akin.
"eww! Yak! Ka dirdir ka talaga barbie. alam mo namang hotdog ang gusto at hindi mani." nanlilisik ang mata nito dahil sa pagkadiri sa mga pinagsasabi ko.
Hindi ko naman masisisi ang mga chismosang ito. Kung di ko nga lang alam na bakla itong si john di mahirap na magkagusto dito matangkad, gwapo. At higit sa lahat yummy ang katawan, lagi kasi itong nasa gym.
"makakadiri ka naman dyan,! ehh doon ka naman lumabas." tatawa tawa kong sabi.
"ano ba! Kadiri ka talaga." sabi nito sa akin, sabay takip sa tenga.
"bahala ka nga dyan." sabay alis nito palayo.
Mukhang nainis nga ito sa kanya. Mabilis itong naglakad palayo sa akin. Kaya wala akong nagawa kundi habulin ito.
Halos tumakbo na ako para maabutan ito. Ang laki kasi ng biyas nito. Kaya lakad nito, takbo para sa akin.
"aray!"sigaw ko sabay hawak sa ulo ko. Nauntog kasi ako sa likod ni john ng bigla itong huminto.
Hinimas himas ko ang ulo ko. Para kasing magkakabukol ako. Para kasing bato ang likod nito.
Upang makabawi sa pagkakauntog niya sa likod nito. Tinalon nya ito sabay akbay para mahawakan ito sa ulo.
"ano ba!" inis nitong sabi.
Ginulo ko kasi ang buhok nito. "galit ka pa rin?" tanong ko dito.
"sige, pag di mo ko sinagot, guguluhin ko lalo itong buhok mo." banta ko dito. Ang pinaka ayaw kasi ni john ayy yung magugulo ang buhok nito .
Ginulo ko lalo ang buhok nito, para mapilitan itong sumagot. "si-sige na tigilan mo na ko, bati na tayo." pagsuko nito.
Tyaka ko lang tinigil ang paggulo sa buhok nito.
"yan, mabilis ka naman palang kausap ehh!" sabi ko sabay hampas sa balikat nito.
"Tara na nga" yaya ko dito para makakain na ng tanghalian. Ilang minuto nlang kasi matatapos na ang breaktime. Hinila ko na ito para umalis.
Ngunit hindi nya ito mahila pa alis. "bakit ba? John, sabi ko tara na. Kain na tayo." ngunit hindi pa din ito gumagalaw. Para itong na estatwa sa kinatatayuan.
"john! Anong problema?" takang tanong ko dito.
Ngunit wala pa din itong sagot. Nang tignan ko ang mukha nito. Natawa ako. Pano ba naman nakanganga, at parang na starstruck ito.
"hoy! Tulo na laway mo." sabi ko. Pero wala pa din itong sagot.
Sinundan ko ng tingin ang gawi kung saan ito nakatingin. Doon ko natagpuan ang isang lalaki na nag mamay-ari ng nakakabighaning mukha. "Kaya naman pala." bulong niya sa kanyang sarili.
Tinikom ko ang bibig nito, gamit ang dalawa kong kamay, baka kasi mamaya mapasukan ng langaw. Mukhang bumalik ito sa katinuan ng dahil sa ginawa ko.
"ano ba! para kang timang. Kilangan talaga may pag nganga?" sabi ko dito sa bay irap.
"araw-araw mo namang nakikita ang mukhang yan. Pero bakit hanggang ngayon parang di ka pa sawa." sita ko dito.
"bat, ikaw? Di ka ba nabibighani sa mala Greek god na mukhang yan?" sabi nito sabay nguso sa lalaking naglalakad patungo sa gawi namin.
Pinasadahan ko ito ng tingin, mula ulo hanggang paa. "hindi ahh, mas gwapo ka pa kaya dyan" sagot ko sa tanong nito.
"eww, ka talaga. Im not gwapo. Im dyosa." maarte nitong sabi.
Natawa ako sa kainartihan ng baklang to. Sarap ipalapa sa sampung matandang babae.
Pero, nagsinungaling siya sa mga sinabi nya kay John kanina. Totoong gwapo si John. Pero mas ubod ng gwapo ang lalaking naglalakad pa punta sa pwesto namin. Para itong isang model habang naglalakad. Hapit na pantalong itim, sapatos na itim at puting long sleeve ang suot nito. nakapatong naman sa balikat ang hinubad na tux. medyo magulo ang buhok nito na parang hindi nagsuklay, pero mas nakadagdag iyon sa s*x appeal nito.
"di pala gwapo ha! Kung makatingin ka parang gusto mo nang ikulong dyan ohh!" napatingin ako sa nginunguso nitong baklang to.
"eww! Kadiri ka beks. Napakahalay ng green minded mong utak." pano ba naman ang nginunguso nitong baklang ito sa yung dibdib ko.
Mahinang pinaghahampas ko si Josh. Bigla akong napatigil ng biglang narinig ko ang malamig na boses mula sa lalaking pinag-uusapan namin ni Josh.
" so, what are the two of you doing here?" madiin at mala yelo sa lamig na tanong nito. Habang mababakas sa mukha ang galit.
Namamalik mata lang ba ako? O totoong galit ang nakikita ko sa mata nito.
"nasa labas kayo ng building kung saan kayo nag tatrabaho. Pero para kayong mga bata kung magharutan." pagpapatuloy pa nito.
Nakaramdam ako ng inis sa mga sinasabi nito ngayon. Kaya hindi ko napigilan ang sumagot pabalik.
"breaktime naman po, at nasa labas naman po kami ng trabaho. Ano po bang masama sa pakikipag kulitan sa kaibigan." madiin kong bwelta.
Kita ko sa mukha ni john ang pagakabigla, siguro dahil ngayon nya lang ako nakitang nagalit. At bukod pa doon sa mismong boss ko pa.
" Mira, tama na! " bulong nito sa akin.
" anong tama na? Ehh totoo naman ang sinasabi ko ha! Break time ngayon. Kaya nga 'breaktime' kasi ibigsabihin tigil muna sa trabaho, kilangan ng pahinga." matapang kong sagot.
Kita ko kung pano mamula ang mata ni Matteo matapos kong sabihin ang mga iyon. Halos lumabas na ang litid nito sa galit.
" okay, fine! If you really want a break. Do it. Pero wag nyong idadamay ang pangalan ng company sa mga gagawin nyo. I just want to protect the name of my company, so wag kayo sa labas ng building magharutan." pagalit nitong sabi, sabay lakad upang lampasan kami.
" Josh! Okay pa ba yung alok mo sa akin? " tanong ko dito sa malakas na boses. Gusto ko kasing inisin si Matteo dahil sa mga pinagsasasabi nito. Kaya sadya kong nilakasan upang marinig nito.
Nakita ko sa gilid ng aking paningin, huminto si Matteo sa paglalakad.
"ang alin?" takang tanong ni Josh.
"yung sa bar! Sasama na ako sayo, basta libre mo ha." sagot ko sa tanong nito. Sabay hila ko sa kamay nito pa alis.