Chapter 8

1901 Words
"ohh! Saan ka pupunta?parang kagalang galang tayo ngayon. " tanong ni Kim habang nagtitimpla ng kape. Nakasuot kasi ako ng paldang itim at long sleeve na puti. Ngayon kasi ang unang araw ko bilang personal assistant ni Matteo. "nakalimutan ko palang sabihin sayo, pinasok akong receptionist ng kakilala" pagsisinungaling ko dito sa magigingtrabaho ko. "Kim the best ka talaga, kaya lodi kita ehh, thank you! Pabantay muna kay Hyohan." sabi ko dito sabay labas ng bahay, alam ko namang di pababayaan ni Kim si Hyohan kaya panatag ako. Ayaw ko kasing sabihin dito na kay Matteo ako mag tatrabaho. Tiyak na pag nagtagal ako sa bahay mag-uusisa ito. .... Nasa loob na ako ng building na pagmamay-ari ni Matteo. Hanggang ngayon para pa rin akong namamalik mata sa laki ng building. At napag alaman ko na isa pala ang kompanya nito sa pinaka sikat sa buong asia. Ito kasi ang isa sa mga sikat na producer ng laruan sa buong mundo. Agad siyang dumiretso sa information desk. Wala pa kasi siyang ID na ginagamit ng mga employees para makapasok sa employees entrance. "hi po!" bati ko sa receptionist. Nginitian ako nito ng tumingin ito sa akin. "ma'am, you are miss Mira Asuncion?" tango lang ang tanging naisagot ko. "Kilala sya ng receptionist? Pano? May name plate ata ako sa katawan." sabi ng isip ko. Kaya kinapa ko ang suot kong damit pero wala naman akong nakuha. Baka sa noo. Pero wala din naman. "here ma'am this is you new employee's ID." sabay abot nito sa akin ng magiging ID ko daw. Na mangha ako ng makita ko ito. Ito ang unang beses na makakagamit ako ng employees ID. Dahil ang ID lang na nagamit ko sa tanan ng buhay ko ayy school ID lang. Hindi ako nagmamadali sa paglalakad dahil maaga pa naman. Maaga talaga ako umalis ng bahay para di ako magahol sa oras. 8am pa ang time ko pero 7:30 nan dito na ako. At para na din mapaghandaan ang muling paghaharap nila ni Matteo. Kasi base sa mga napapanood kong drama palaging late ang mga boss. Kaya makakapag ready pa ako ng mga sasabihin ko dito. Nang nasa harap na ako ng pinto ng opisina ni Matteo huminga muna ako ng malalim bago kumatok ng tatlong beses. Ngunit walang sumagot. "sabi na nga ba late yun. Totoo nga ang mga napapanood kong drama palaging late ang mga boss, palibhasa may ari ng kumpanya okay lang ma late!" binuksan ko na ang pinto. Upang tumbad sa aking inosenteng mata ang isang pader? Bakit may pader na nakaharang sa pinto? Upang kumpirmahin kung pader nga ito. Inangat ko ang aking kamay upang hawakan ito. Aba, matigas nga! kinatok katok ko pa ito at pinisil pisil? Bigla akong nabuwal at napasigaw ng magsalita ang pader. "what are you doing?" mababa at matigas nitong tanong. " " ayy, malignong pader!! " sigaw ko. Nangtignan ko ang akala kong pader, hindi pala ito isang pader, kundi isang engkanto, engkanto ng kagwapuhan at kakisigan. Napakurap kurap ako ng mapagtanto ko ang mga sinasabi ng maharot kong isip. Tinikom ko ang bibig ko dahil parang tutulo na ang laway ko. Mangalingaling batukan ko ang sarili ko. Dapat hindi ko naiisip ito, dapat nagagalit ako dito. Pero parang hinihigop ng makamatay na kamandag ng kagwapuhan nito ang matino kong isip, at napapalitan ng maharot at imaginative na isip. Nangtignan kong muli ang mukha nito, para itong nakakita ng multo. Dahil gulat na gulat ito habang nakatingin sa nakabukaka kong hita?. Teka, ano? Nakabukaka?, sino? ako? Nang muli kong tignan ang pwesto ko habang nakasalampak, bigla akong pinamulahan ng mukha. Nakabukaka nga ako at kita na ang panty ko na may hello kitty na design. Oo, hello kitty dahil favorite ko si hello kitty, walang basagan ng trip. Naka tukod ang dalawa kong kamay sa sahig. Habang ang dalawa kong hita ay magkahiwlay na naka angat. Agad kong tinikom ang hita ko dahil sa sobrang pagkahiya. Walang jok to! Chansing! Nang balingan kong muli ang ang lalaki sa aking harapan doon pa din ito nakatingin sa hita ko na ngayon ay nakatiklop na. Tumaas baba ang adams apple nito na parang nauuhaw. Natauhan lang ito ng magsalita ako matapos kong ayusin ang aking sarili. "go-good morning si-sir" nauutal kong bati. "good morning" bati nito pabalik sabay talikod. Tinungo nito ang lamesa kung saan may nakapatong na pitsel at tubig. Nagsalin ito ng tubig sa baso at isang lagukang ininom. Mangali-ngaling agawin ko ang hawak nitong baso dahil biglang nag-init ang aking mukha, siguro dahil sa pagkapahiya o pwede din sa nakakatakam nitong pag-inom ng tubig. May tumulo kasing tubig mula sa bibig nito nanaglakbay hanggang leeg at sa kwelyo ng suot nitong long sleeve. Hindi ko sinasadya nabatukan ko na pala ang sarili ko, napakaharot naman kasi ng isip ko. Parang ngayon lang nakakita ng magandang tanawin. "what's wrong" kunot noong tanong nito sa akin. "ha? Hatdog! Ay wala po, sabi ko po ha.... Hayop na lamok. May lamok po kasi sa noo ko." pagpapaliwanag ko dito. Mukhang na niwala naman ito. "uto-uto"pabulong kung sabi. " what? " narinig pala ako, patay." wala po sabi ko po. To.... Totoo po may lamok. Nakahinga ako ng maluwag dahil mukhang naniwala ulit. Binaba na nito ang hawak na baso at naglakad na papuntang lamesa nito sabay upo sa upuan nito. " Have a seat" turo nito sa upuan sa tapat nito. Sumunod ako sa utos nito. Umupo ako sa katapat nitong upuan. "here" may inabot sya sa aking isang folder. "that is our new contract, sign it after you read" mababang boses nitong pahayag. Sabay sandal nito sa upuan. Tinignan ko ang inabot nitong contract sa akin. Napanganga ako. Grabe kasi nakakaiyak yung nakasulat....... Di ko maintindihan English kasi. Napaalis ito sa pagkakasandal ng makita ang hitsura ng aking mukha. "wa-what happened?" may pag-aalalang tanong nito. "yu-yung, kontrata kasi" sabay turo ko sa kontrata na nasa ibabaw ng lamesa. "wa-what about the contract?" sabi nito sabay kuha sa nasa lamesang kontrata. "ka-kasi namemersonal, di ko maintindihan yung nakasulat." parang bata kong sabi dito. Nakita kong kumunot ang noo nito. "okay, fine! I will provide another contract written in tagalog." sabi nito. Pero nagtata pa din ang mukha nito habang nakatingin sa nakataas kong kilay. "what, again" sabi nito dahil siguro sa nakataas na naman ang kilay ko. "kung mag e-english ka lang maghapon pwede po ba wag mo na akong kausapin? Baka kasi sumakit lang ulo ko." pahayag ko dito. Hindi ko alam kung saan nanggagaling ang lakas ng loob ko na mag demand. Pero parang balewala lang sa kanya ang mga sinasabi ko dahil sumasang-ayon lang ito sa lahat ng sabihin ko. "okay, fine!" may pagsuko nitong pahayag. Nangunot ulit ang noo ko. "what, again?" naiirita muli nitong tanong. "sabi ko, wag mo kong kausapin pag nag English ka." "oo, na nga di na mauulit." nabubwiset nitong sagot. Ewan feeling close ako ngayon, parang hindi ko kinamumuhian ang lalaking ito. .... Naka upo ako ngayon sa lamesa na inihanda para sa akin. Hindi sa labas ng opisina nito kundi sa tabi mismo ng lamesa nito. Nagtataka nga ako, kung bakit dito nya nilagay ang lamesa ko. Pwede naman ako sa labas. Ang sabi lang nito para daw mabilis nya akong matawag pag may iuutos ito sa akin. Talagang mabilis nya lang akong matatawag. Isang kalabit lang akin 'ka! "aray!" nabatukan ko kasi ulit yung ulo ko ang harot kasi masyado. Napatingin tuloy ito sa akin. Nagtatanong ang mga mata. Umiling lang ako bilang sagot. Wala akong ginawa ng halos 4 na oras, na bilang ko na nga ata kung ilang beses akong huminga at nagbuntong hininga. "wala ba akong gagawin?" naiirita kong tanong dito. Sobra na kasi ang pagkainip ko. Parang gusto ko nang kumuha ng panyo at punasan ang leeg at noo nito dahil tagaktak na ang pawis. Biglang na ngunot ang noo ko. "teka, ang lamiglamig pero tagktak ang pawis nito! Di kaya nilalagnat siya?" bulong nya sa isip. Totoo naman, sobrang lamig dito sa kwarto para na nga kong kakabagin sa lamig, tapos sya pinagpapawisan? Napatingin ito sa akin. "may kilangan ka palang gawin." sabi nito. Nagliwanag naman ang aking paningin, sa wakas may dulot na ako. "timpla mo ko ng kape" pagpapatuloy nito. Biglang nalukos ang aking mukha habang nakatingin sa kanya. "anong problema?" walang malay nitong tanong. "trabaho ba yun?" sagot ko dito sa naiinis na tono. "bakit? Hindi ba? Mahirap na trabaho yun. Yun kaya ang pinaka mahirap na trabaho ng assistant ang magtimpla ng kape" sabi nito na parang nang-iinis. Mukhang masaya pa ito na makitang bad trip ako. Padabog akong tumayo at nagtungo sa lamesa kung saan nakalagay ang initan ng tubig. Nang isaksak ko na ang electric kettle ay kumuha na ako ng tasa na pwedeng pagtimplahan ng kape. Nang mapansin kong wala palang kape. Lalabas na sana ako ng pinto para sana bumili ng kape sa 7-11 sa tabi nitong building. "saan ka pupunta?" nakakunot noong tanong nito. "san pa nga ba edi bibili po ng kape. Wala na po kasi kayong stock ng kape." sabi ko dito sabay akmang lalabas na. "teka!" pigil ulit nito. "bakit, nanaman po?" naiiritang tanong ko. "magpapabili nalang ako."sabay kuha nito ng cellphone sa ibabaw ng mesa. Pero di ko na sya inantay na magsalita pang ulit. Tuloy-tulloy na akong lumabas ng pinto at nagtatatakbong dumiretso sa elevator. Nangmakapasok ako sa elevator tyaka lang ako nakahinga ng maluwag, pakiramdam ko kasi may tinatakasan ako. Bibili lang ng kape kilangan pang iutos, ehh kaya ko namang gawin yun. Ito na nga lang ang trabaho ko iuutos pa sa iba. Maktol nya habang nasa loob ng elevator. Nang bumukas ang elevator ng nasa ground floor na ito. Isang lalaking naka all black ang nabungaran ko. Malaki ang katawan nito, parang yung mga sumasabak sa wrestling? Ganun ang hitsura nito. Lumabas ako ng elevator na nakakunot ang noo. Pano ba naman sa akin nakatingin yung lalaki. Nilampasan ko nalang ito at hindi pinansin. Ngunit napansin kong nakabuntot ito sa akin hanggang sa makalabas ako ng building. Kaya hinarap ko ito. " sinusundan mo ba ko?" pinatatag ko ang aking boses sa kabila ng takot at pangamba. Malay ko ba kung kidnapper pala to. Ngunit hindi ito sumagot bagkus ay nakatitig lang sa akin. "pag di ka sumagot sisigaw ako.!" pagbabanta ko dito. Nang akmang sisigaw na ako bigla itong nagsalita. "pinapasundan po kayo ni Lord." nangunot bigla ang aking noo. Sigurado akong si Matteo ang tinutukoy nitong lord. Umuusok ang aking ilong na nag martya pa puntang 7-11 para makabili ng kape. Nang makabalik ako sa opisina ni Matteo, prente lang itong nakaupo at nakasandal sa sandalan ng upuan nito. Agad kong tinimpla ang binili kong 3 in 1 na kape sa 7-11. Padabog kong binagsak ang tasa sa lamesa nito. "bakit?" nakakunot na tanong nito. Tinaasan ko sya ng kilay at inirapan. "sinong di maiinis, para akong tanga kanina pinagtitinginan po kaya ako sa labas habang naglalakad, pano ba naman nakabuntot sa akin yung body guard mo." nanggagalaiting sabi ko. Bigla akong kinilabutan ng biglang nagbago ang expression ng mukha nito. Bigla itong sumeryoso at madilim na tumingin diretso sa aking mata. Bigla akong nakaramdam ng takot. Nadagdagan pa ng marinig ko ang sumunod niyong sinabi. "i own you! And you are only mine! From now on you will never escape from me........ Again!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD