Chapter 4

2036 Words
"si-sige po, pu-pumapayag po ko." halos di ako huminga ng banggitin ko ito. "Tama ba ang desisyon ko?" natatakot ako dahil di ko kilala ang lalaking sasamahan ko. Pero kilangan ko ng pera! Kilangan kong mapa operahan si Hyohan. "ohh! Ehh, ano pang ginagawa mo? Nag-aantay ang customer." napapitlag ako ng magsalita si mami Ester. "aba, bilisan mo at baka kwarta na ay maging bato pa!" may diin nitong sabi. Habang pumapalakpak ang kamay. Wala akong sinayang na oras nag ayos agad ako. Pinahiram ako ni mami ng damit ang tawag daw dito ay, red fitted bodycon dress. Inaayusan ako ng isa sa mga kasamahan ko dito sa club. Hindi naman kasi ako marunong gumamit ng mga kolorete. "Mira!" sigaw mula sa likuran ko ang nag palingon sa akin. "hoy! Narinig kong magpapalabas ka daw sa customer? ." si Kim pala. At para itong sasabak sa gyera, base sa nakikita ko sa mukha nito. "hoy! Babaita, hindi kita ponasok dito para ibenta ang sarili mo!" pagalit nitong wika. "at isa pa, pano pag nagising na si Hyohan? Baka masisi pa ako ng junakis mo." pag papatuloy pa nito, pero bakas sa muka ang labis na pangamba. "si-siguro naman walang gagawin yun sa 'aking masama?" sabi nya sa hindi siguradong tono. "tanga ka nga talaga, di mo alam ang kalakaran sa gantong mundo. Pagnilabas ka ng customer, isa lang ibig sabihin nun, gusto kang ikama!" mahabang lintanya nito na medyo napalakas ang boses. "oo na! Tanga na kung tanga! Pe-pero Kim. Intindihin mo naman ako. Natatakot din ako, pero pano si Hyohan? Pano ang anak ko?" maluha luha kong sabi dito. Dahil sa halo-halong emosyon di ko na napigilan ang maluha. Oo, alam ko pandidirian na ako ng ibang tao, maaari ding pati si Hyohan ay pandirian ako pagnalaman nito ang gagawin ko. Pero anong gagawin ko? Kilangan ko ng pera. Bulong nya sa kanyang sarili. Lumapit sa kanya si Kim at niyakap sya nito. Inaalo at pinatatahan din sya nito. Kumalas ito sa pagyakap sa kanya, at tumingin sa aking mata. "naiintindihan kita, natatakot lang ako para sayo. Alam mo naman ikaw lang ang nag-iisang tao na hindi ako pinandirihan. At ayoko lang na mapahamak ka." sabi nito na halata ang sinseridad sa mga mata. "ku-kung di na kita mapipigilan, sige hahayaan kita sa gusto mong gawin."pag papatuloy pa nito namakikitaan na din ng luha sa mata. Nakita kong may dinukot si Kim mula sa bulsa ng suot nitong bistida. At iniabot ito sa akin. " ito, kunin mo. " tukoy nito sa iniaabot sa kanya. Nang tignan nya ito, cellphone pala ang inabot sa kanya ni Kim. "a-ano to?" tanong ko dito. "para sayo yan, kunin mo. Sa oras na may gawin sayong masama kung sino mang herodes na maglalabas sayo o di kaya pag sinaktan ka nya, tawagan mo ko" pahayag nito na halata pa din ang pag-aalala. Oo, alam kong nag-aalala lang talaga si Kim sa kanya. Ito lang kasi ang tanging taong pinagsabihan ko ng bagay na pinakatatago ko. At ayaw lang nitong maulit ang nangyari noon. Para hindi na ito masyadong mag-alala tinanggap ko nalang ang binigay nitong cellphone. Sabay tango lang ang sinagot ko dito. Paglabas ko ng club, nakita ko agad ang kulay itim na kotse, katulad ito ng mga nakikita kong kotse ng mga alta sa mga napapanood kong palabas sa TV. Gulat ako sa isang lalaking naka kulay itim na damit, ng bigla itong lumapit sa akin. "kayo po ba si ma'am Mira?" tanong nito. Tango lang ang aking naisagot dito. "dito po tayo" kinilabutan ako sa lamig ng boses nito. At nakadagdag pa sa kilabot ko ang hitsura nito. Ang laki ng katawan at may balbas din ito. "si-sino po kayo?" wala sa sariling tanong ko dito. "ako po ang inutusan ni lord na ihatid kayo sa hotel. Kanina pa po siya nag-aantay sa inyo doon." sabi nito na di mababakasan ng emosyon sa mukha. Giniya ako nito para makasakay sa kotse na kulay itim. Habang nasa byahe. Di ko maiwasang makaramdam ng takot. Normal naman siguro yun para sa akin. Di ko alam kung anong mangyayari sa akin mamaya. "uhm, kuya! Ano pong pangalan nyo" bigla kong tanong dito. Dahil gusto kong iiwas ang pag-iisip ng masama. Ngunit hindi ako nito pinansin. "Ayy suplado!" bulong nya, para di nito marinig. "Brusko" narinig siguro nito ang sinabi ko. Magsasalita pa sana ako ng huminto ang kotse na sinasakyan ko sa tapat ng isang malaking hotel. Napakalaki nito sa labas. Pano pa kaya sa loob? Bulong niya sa kanyang sarili. Bumaba galing sa driver seat si Brusko. At pinagbuksan siya nito ng pinto. "salamat" sabi ko dito ng makababa na ako ng sasakyan. Lumakad na ako papasok ng hotel. Tama nga siya napakalaki nito sa loob, at napaka ganda din nito. Maaliwalas tignan para itong lugar ng mga alta. Nakalapit na kami sa front desk. Iniwan ako ni Brusko sa isang tabi at kinausap nito ang babae sa front desk. Natauhan ako ng magsalita ang babae na kanina ay kausap ni Brusko sa may front desk. "ma'am, this way please." sabay lahad nito sa daanan papuntang elevator. Nauna itong naglakad papuntang elevator. Sumunod ako dito habang si Brusko ay nakasunod sa likuran ko. Nang makasakay na kami sa loob ng elevator, pinindot ng babae ang 26th floor. Sumara na ang elevator at umandar na ito pataas. Bigla muling na buhay ang kanina pang takot na nararamdaman ko. Mas lalo pang nadagdagan ang kaba na naramdaman ko ng bumukas na ang sinasakyan naming elevator. Nakalabas na ang dalawang kasama ko sa elevator ngunit parang ayaw humakbang ng aking paa. "ma'am" tawag sa kanya ni Brusko. Doon lamang siya natauhan. Nang tignan nya ang kabuuan ng palapag. May dalawang kwarto lamang dito. Naunang naglakad ang babaeng kasama nila. Giniya sila nito sa pintuan sa kanang bahagi. Nang matapat na sila sa pinto. Hindi na ito nag doorbell. May nilabas itong card at itinapat nito sa parang kahon sa pinto. Bumukas ito matapos nitong itapat ang card. Madilim ang kabuuan ng kwarto. Wala akong makita, inaaninag ko kung may tao ba sa loob. Ngunit wala talaga akong makita. Biglang nagsalita si Brusko "ma'am, hanggang dito nalang po kami." gusto ko pa sanang magsalita, ngunit ibubuka ko palang sana ang aking bibig, nakalayo na sa kanya ang dalawa. Nag-aalangan akong pumasok, dahil napakadilim ng loob ng silid. Ito kasi ang pinakaayaw nya sa lahat, ang madilim. Dahil pag nasa madilim siya palagi nyang naaalala ang nakaraan. Biglang pumasok sa isip nya ang mukha ni Hyohan. Ang nakakaawa nitong kalagayan. Tinatagan niya ang kanyang loob. Hinakbang nya ang kanyang paa. Kinapa nya ang paligid dahil baka may masangi siya. Nakakailang hakbang pa lamang siya ng biglang may nagsalita sa kung saang parte ng kwarto. "so your here!" napaka lamig ng boses na yon. Na mas lalalong nagpadagdag sa nararamdaman nyang takot. Dahil sa dilim ng silid hindi nya makita kung sino ang nagsalita. "five step to the right." sabi nitong muli. Hindi nya agad na intindihan ang gusto nitong ipagawa sa kanya. Kaya muli itong nag salita. "i said, five step to the right." dali dali nyang sinunod ang ainabi nito. Dahil sa napaka diin nitong pag-utos. Nang magawa na nya ang inutos nito. Naramdaman nyang tumama ang kanyang binti sa isang malambot na bagay. " sit" may diin nitong utos. Sinunod nya ito. Pinahaba nya ang kanyang kamay upang kapain pababa ang kanyang uupuan. Narandaman nyang malambot ito at malawak. Dahan dahan siyang umupo doon sa malambot na bagay sa kanuang harapan. Huminga siya ng malalim. At nilakasan ang loob. Sa kabila ng takot at kaba na gawa nya pa ring ibuka ang kanyang bibig. "ex-excuse m-me po sir!" na ngangatal nyang sabi. "you don't have right to speak! If i will not give you a permission!" may diin muli nitong lintanya. "so, i think you know why you are here!" sabi pa nito. Hindi ako sumagot sa tanong nito. Sabi nya kasi wag daw akong magsasalita kapag di nya sinabi. Kahit English yun naintindihan ko naman kahit papano. . "why are you not answering me?" tanong nito na halata ang inis sa tono ng pagsasalita. "uhm, sir sabi nyo po wag po kong magsalita. Kaya di po ako sumagot" sagot ko sa tanong nito. "fine! If i ask you a question you have permission to answer me back." naiinis pa din nitong sabi. "si-sige po sir." sagot ko dito. "so, i think you know why you are here." pagtatanong nitong muli. Bat naman kasi nag e-english pa pwede naman magtagalog. Bulong niya. "what, did you say?" naiinis nitong tanong. "Pwede po bang magtagalog po kayo? Lam nyo na po. Mababa po kasi grade ko sa English." "what?" tanong nito na parang naiirita. "sabi ko po pwede pa tagalog?" pag-uulit ko sa tanong kanina. Mukhang naintindihan naman siya nito. "siguro, alam mo na kung bakit ka nan dito?" may diin nitong sabi. "si-siguro po mag-uusap po tayo? Or mag kukwentuhan?" sagot nya dito. Gusto nya kasing maibsan ang takot na nararamdaman nya ngayon. Kaya dinadaan nya nalang sa mga kwelang banat. Pero parang di natuwa si Lord, dahil parang kulob sa kanyang pandinig ang sinabi nito. " if i were you, stop talking nonsense." nakaramdam siya ng kilabot sa sinabi nito. Ngayon para na syang nasa bingit ng kamatayan. "there's have a hanky on your left side. Get it and put it on your eyes." nakakakilabot na utos nito sa kanya. Hindi agad siya nakagalaw kaya muli itong nag salita. "i don't want to speak twice." may diin sa pagsasalita. Naintindihan naman nya ang sinabi nito. Pero ayaw gumalaw ng kamay niya. "i said-" hindi ko na pinatapos ang sasabibin nito. Sinunod ko ang inutos nito kanina. Kinapa ko ang panyo sa aking tabi. Nang mahawakan ko ito. Nanginginit kong itinaas ito at inilagay sa aking mata. Itinali ko ito ng maigi. Kabog ng aking dibdib ang aking naririnig. Parang gustong lumabas mula sa kinalalagyan nito. Parang huminto ako sa paghinga ng may bumukas na pinto kung saan. Hindi ko ito makita dahil sa piring sa aking mata. May mga hakbang din akong naririnig na palapit sa aking pwesto. Tumigil ang tunog ng paghakbang. Ngunit ramdam kong parang may mga mata na nakatitig sa akin ng malapitan. Isang haplos sa aking pisngi ang nagpapitlag sa akin. Para akong kinoryente sa ginawa nito. Inilag nya ang kanyang mukha ng pakiramdam nya ay muli sya nitong hahawakan. "wag, kang gumalaw!" maawtoridad nitong utos. Tumigil sya sa paggalaw hinayaan nya ito sa ginawa nito sa kanya. Naramdaman nya ang paglapat ng labi nito sa kanyang leeg. Dumidila at sumisipsip ito doon. Nakaramdam sya ng takot sa ginagawa nito sa kanya. Ngunit ginusto nya to. Kilangan nya ng pera, kilangan ng anak nyang maoperahan. Unti-unti siyang hiniga nito sa malambot na inuupuan nya. Lumapat ang kanyang likod sa malambot na bagay. Ngunit hindi maitatago sa mga oras na yun ang nararamdaman nyang kaba. Naramdaman nyang pumasok sa loob ng suot nyang dress ang kamay nito. Hinihimas nito ang kanyang hita pataas sa kanyang tiyan. Dumako ang kamay nito sa kaliwa nyang dibdib. Hindi nyang maiwasan ang makaramdam ng pandidiri. Pandidiri para sa sarili. Nang ialis nito ang labi mula sa kanyang leeg naramdaman naman nya ito sa kanyang labi. Mapusok ang ginagawa nitong paghalik. Hindi na nya napigilan ang maluha dahil sa kaba at takot na kanyang naramdaman. "Hwag!" hindi kona napigilan ang pagsigaw dahil sa biglang pagbalik ng alala na akala ko ay nakalimutan ko na. Bigla kong itinulak ang lalaki na nakaibabaw sa akin na naging dahilan upang maalis ito sa aking ibabaw. Niyakap ko ang aking sarili. Nakayuko ako at hinahayaang tumulo ang luha na di ko na mapigilan. Hindi ko pala kaya. Kanina ang nararamdaman kong takot ay katulad ng takot na naramdaman ko noon. Ang takot na pilit kong tinatago at gustong kalimutan. Gusto ko nang umalis. Gusto ko nang lumayo. Nangangatog ang aking kamay habang tinatanggal ko ang piring sa aking mata. Ngunit, parang mali ang naging disisyon ko. Dahil maslalong nakakakilabot ang nabungaran ko. Nagbalik ang lahat ng sakit, at takot na gusto ko nang kalimutan dulot ng kahapon. Dahil sa mukha ng lalaking nakatayo sa aking harapan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD