Chapter Three
| Ang Bayad
_
ALALANG-ALALA si Sam sa nakahigang katawan ni Zavira sa school's clinic. Naka-bandage wrap na ang palad nito at siko. Ayun sa nurse, hindi kalaliman ang sugat nito sa palad subalit may galos at pasa ito kaya kailangan nitong magpahinga. Nagtanong pa ang nurse kung ano ang nangyari na kaagad na sinagot ni Sam na, hindi sinasadya at aksidente lamang ang lahat.
Ayaw niyang iwanan ang dalaga roon dahil nais niyang sa pagmulat nito'y siya ang unang masilayan. Hihingi siya ng tawad at tutulong sa gamot na kailangan nitong inumin.
Makikita ang pagpasok ng isang estudyante sa pinto bago tuluyang magbunyi ang nasisiyahang puso ni Zavira. Gustuhin man niyang imulat nang tuluyan ang mata, ay hindi niya magawa dahil may nais pa siyang alamin.
"Sam, are you okay? Malapit na matapos ang lunch break, we should go." wika ng bagong dating. Hindi iyon suhestiyon, kundi utos sa pandinig ni Zavira.
May kung anong suminding galit sa puso ni Zavira. Pakiramdam niya ay ayaw nito na nasa tabi niya si Sam. Inaagaw nito si Sam sa kaniya.
"Is it okay? Oh my gosh. I feel so guilty! Just look at her with those bruises and wounds!" Ramdam niya ang sinserong malasakit ng dalaga sa kaniya at walang pagsidlan ng saya ang kaniyang puso.
"Hindi mo kasalanan. Listen! Stop being so soft to people who are dumb. She did it to herself dahil hindi siya tumitingin sa dinadaanan niya!" May galit na wika nang huli.
Tumunog ang bell ng paaralan.
"Let's go, Sam! Let the nurse do her job. She'll be better in no time, okay? Baka ma-late tayo. Let's go!"
Sa isang iglap, papalayong taguktok ng sapatos na lamang ang narinig ni Zavira. Nagngalit ang kaniyang bagang sa babaeng iyon. Nag-iinit ang kaniyang buong katawan dahil sa puot na hindi maipaliwanag. Nang idilat niya ang namumulang mata ay mabigat na pumatak ang mga luha roon.
'You'll pay for this,' bulong niyang puno ng puot.
UWIAN. Alas-singko ng hapon iyon at kasalukuyang hinihintay ni Zavira at ng ilang estudyante ang school bus.
Nakasilay na sa langit ang bilugang buwan at mamula-mula na ang ilang bahagi ng ulap. Basa ang lupa subalit tumigil na ang ulan. May kalamigan ang dampi ng hangin kaya napapikit ang dalaga sa kapayapaang hatid niyon. Maingay ang paligid, hindi na lamang niya inalintana iyon. Kung maaari lamang, kahit panandalian, tanggalan ng kakayahang magsalita ang mga maiingay.
Maghapon siyang hindi pumasok. Inunawa na lamang ng mga guro dahil ipinaalam ng nurse ang kaniyang kundisyon. Ang hindi niya mauwanaan ay kung bakit hindi siya sinundo ng mga magulang niya upang umuwi. Gayunpaman, inalis niya sa isipan iyon dahil pakiramdam niya'y walang saysay ang ganoong uri ng emosyon.
"Classmate!"
May humawak sa kaniyang braso at agad napapikit nang makilala ang amoy na iyon. Namukadkad bigla ang nananahimik niyang bulaklak. Kakaiba ang presensiya ng dalaga sa kaniya, kumikislot ang kaniyang kaligayahan ang nagririgodon sa galak ang kaniyang puso.
Lumingon siya at sa nakabuntot dito. Napatitig siya roon. Inaalisa ang kabuuan nito. Mataas na arko ng kilay lamang ang ipinakita nito at umirap bago inilis ang paningin.
"How are you feeling?" Tanong ni Sam sa kaniya. "I'm really sorry. Hindi ko sinasadya. Kung gusto mong dalhin ko ang bag mo para sa'yo, I'll do that. Kahit ano para lang mabawasan ang guilt ko."
"And why would you do that?"
Pagkarinig ni Zavira sa boses na iyon ay agad niyang naikuyom ang kamao. Sa kasamaang palad, doon sa may sugat, kaya nagsimula muling umagos ang dugo roon.
"Cassandra, it's okay. It's my fault kasi e." Dahilan ni Sam. Bumaling ito kay Zavira, "Omg! You have blood sa palm mo. What happened? Are you okay?"
Hinawakan ng dalaga ang kaniyang kamay subalit hindi maalis ang titig niya sa tinawag nitong Cassandra.
Iwinaksi ang braso mula sa pagkakahawak nito at dali-daling sumakay sa kaiibis lamang na bus. Hinawi ang sino mang nais mauna sa kaniya.
Masakit. Ngunit mas masakit ang nararamdaman niyang galit na kanina pa nagpapatuyo ng kaniyang lalamunan.
"I'll make you pay. I swear, I'll make you pay."
Pagkauwi ay kaagad siyang pumasok sa kuwarto. Hinubad ang bawat saplot na nakatakip sa kaniyang katawan at ibinuhos ang galit sa tv. Hindi niya tinigilang hampasin iyon ng martilyo hanggang sa mapagod.
Humiga siya sa kama nang humihingal at kinuha ang selpon sa bag. Hinanap niya ang Cassandra sa social media at nagpakawala ng nanggigigil na hiyaw nang makita iyon. "Papatayin kita!" marahan ngunit puno ng gigil niyang sambit.
Isang desisyon ang namuo sa kaniyang isipan. At kailangan ay ngayon mismo maisakatuparan iyon. Dahil kung hindi ay mababaliw siya kaiisip, hangga't maaari ay ayaw niyang mangyari iyon.
Nagbihis siyang muli. Itim na bestidang hapit sa kaniyang katawan na hindi lumampas sa kaniyang tuhod. May mga kumikinang na sequences iyon, upang magmukha siyang trenta anyos na pataas. Nagsuot siya ng itim na guwantes at sa bewang ay isinuksok ang maliit na kutsilyong siya mismo ang naghasa. Matagal na ito sa kaniya. Wala siyang maalala kung paano siya nagkaroon niyon.
Ayon sa bagong paskil na mga litrato nito ay kasalukuyan itong nasa isang disco bar. Isa hanggang dalawang sakay pa ang layo ng kinaroroonan nito subalit para rito'y titiisin niya ang pagod. Para sa katapusan ng kaniyang puot.
Matapos baguhin ang mukha gamit ang make-up, saka niya pinatungan ng jogging outfit ang suot.
PUNO ng kakaibang kasabikan ang puso ni Zavira habang binabagtas ang entrance ng disco bar. Inilahad niya sa dalawang maskuladong guwardiya ang pekeng ID, walang pag-aalinlangan naman na tumango ang dalawa at binuksan ang pinto.
Bumulaga sa kaniya ang magulo, mausok at maingay na lugar. Dikit-dikit na ang naroon at halos maghiraman na ang bawat isa ng hininga. Ito ang unang beses niya sa ganitong uri ng lugar. Hindi na kataka-taka ang mga taong nasa kalagitnaan na ng paglalabas ng init ng katawan. Ang iba'y tila wala sa sarili habang iginigiling ang katawan sa sayawan, halos mahubad na ang saplot ng mga ito.
Iginala niya ang mata habang kagat ang labi, hinahanap ang pakay sa lugar. May humila sa kaniyang isang lalaki, malaki ang pagkakangisi nito at nakakapit na ito sa espiritu ng alak. Umiindak ito, iginigiling ang harapan sa kaniya habang mahigpit ang pagkakakapit sa kaniyang bewang. Mayroong humawak sa kaniyang puwitan. Napaigtad siya at hinarap ang hindi makilalang salarin. Ngunit sa muli niyang pagharap ay sinibasib siya ng halik ng lalaki kanina.
Sa galit dito'y ginamit niya ang tuhod upang bigyan ng leksyon ang naghuhumirintado nitong kasarian. Naiwang bagsak ang huli sa sinasayawan nito habang sapo ang kaligayahan at humihiyaw.
Ipinagpatuloy ni Zavira ang paghahanap sa babae. Umakyat siya sa third floor at mula doon ay nahanap niya ang pakay. Nakangisi niyang inayos ang suot at ginawa ang lahat upang magmukhang kaakit-akit maglakad.
Tama ang kaniyang hinala. Gusto nito si Sam dahil nararamdaman niya iyon... at base na rin sa nakikita niyang babaeng kahalikan nito.
Nakakuyom ang kamao ay lumapit siya sa dalaga, sisikmurain niyang halikan ang kinamumuhian, para sa ngalan ng higante. Itinulak niya ang babae na nakalingkis dito at walang sabing inilapat ang labi sa labi nito. Hindi niya binigyan ng pagkakataon na tumanggi ang dalaga dahil ginalingan niya ang performance.
Nagpalitan sila ng halik na tila ba tubig na hindi maubos ang labi ng bawat isa.
Mapusok, mainit at puno ng panggigigil. Bumaba ang palad ni Zavira sa hita ng dalagang handa na sa maaaring maganap. Kinapa niya ang saplot sa ilalim ng suot nitong maikling bestida at walang-sabing ibinaba. Dumantay ang kaniyang labi sa leeg nito habang naglalakbay sa lawa ng kaligayahan ang kaniyang daliri. Impit na napaungol ang huli habang mahigpit ang kapit sa kaniyang hita.
"Let's go somewhere else."
Napangisi siya...
-
-
-
DISCLAIMER :
This is work of fiction. Names, Characters, places, and event are fictitious, unless otherwise stated. Any resemblance to real person, living, dead, or actual event is purely coincidental.
MATURE CONTENT:
This website may contain content of an adult nature. If you are easily offended or are under the age of 18, please exit now. The posts and pages within are intended for adults only and may include scenes of s****l content, suggestive pictures, or graphic violence. Reader discretion is advised.