Mayroong kung anong bagay ang umiikot sa isipan ni Li Qide lalo na yung patungkol sa kung paano nahuli ng kanyang anak ang isang Black Roping Fish na siyang isang delikadong nilalang lalo na sa anim na taong gulang ngunit nang napagtanto ni Li Qide na imposible na mahuli ito ng anakgamit ang kaniyang natural na lakas. Nakita niyang may mga sugat ang black Roping Fish sa katawan nito na alam niyang hindi iyon mula sa kanyang anak. Nang napagtanto ito ni Li Qide ay nabalot ng kung anong klaseng pangamba sa magiging kahihinatnan ng Trial na ito maging ang negatibong epekto nito sa kanyang anak na si Li Xiaolong ngunit ayaw niyang magpadaig sa takot o pangambang kanyang nararamdaman. Naniniwala pa rin siya kakayahan at abilidad ng anak niya. Bilang ama, ayaw niyang siya ang unang maaapektu

