Nang umalis si Night Spider ?️ ay saka naman nakahinga ng maluwag silang lahat ng mga Elders ng iba't-ibang kaharian. Hindi nila aakalin na isang lalaking iyon ay maghahatid ng kaba sa kanila at ang paglisan nito ay animo'y nabunutan sila ng malaking tinik sa dibdib dahil isa lang naman itong kompetisyon sa recruitment nila at mabuti na lamang at silang tatlo na lamang ang natira liban sa kaharian ng Wind Fury. "Isa itong napakagandang araw sa lahat. Hindi natin aakalaing pupuntahan tayo rito ng lahat ng kaharian. Sa ngayon ay magsisimula na ang bawat kaharian sa pagpili ng pwede nilang mai-recruit. "Gusto kong i-recruit si Li Gumu sa aming kaharian ng Sky Ice Kingdom!" Biglang sambit ni Elder Fang San habang makikita ang kakaibang ngiti sa mukha nito. Doon ay nabigla naman ang mga kaw

