Mabuti na lamang at hindi pinaghinalaan si Night Spider dahil sa kaniyang illusion technique. Makikita rin na maingat itong naglalakad at hindi pinapahalata na isa siyang tagalabas idagdag pang napakababa ng Cultivation Level ng mga miyembro ng Li Clan dahil hanggang Viscera Training Stage pa lamang ang mga ito pababa. Nagtanong-tanong pa siya sa ibang mga tao na naririto sa bahay ni Li Xiaolong at nalaman niya na si Li Qide at Li Wenren ang pangalan ng mga magulang nito. Narating na ni Night Spider ang lugar kung saan nakatirik ang maliit na bahay-kubo na siyang sinasabing tinitirhan ng batang pakay niya. Mabilis siyang lumakad papunta rito ngunit bigla siyang napahinto. Mistulang nagdadalawang-isip pa ito kung kakatok ba siya at kung ano ang maaari niyang sabihin. Ngunit ganon na l

