Napakahaba ng pilahan ng bawat kalahok na mga kaedaran lamang ng batang si Li Xiaolong at siya rin ang pinakahuli. Nalaman niyang first come first serve pala ito at ang nasa unahan niya ay nahuli rin ngunit mas malala lang ang oras ng pagdating niya. Hindi naman ikinabahala ng batang si Li Xiaolong iyon ngunit ang mas nakakabahala lang para sa kaniya ay ang magiging resulta ng kaniyang sariling re-examination ng kaniyang Martial Talent. Napakalayo niya man sa mismong boulder ay alam niya naman kung paano ginagawa ng mga estudyante ang kanilang eksaminasyon at paganahin ang nasabing Boulder na siyang magbibigay ng resulta ng kanilang mga nasabing resulta. Bawat examiners ay pumupunta sa mismong dambuhalang Boulder na nasa gitna mismo ng Stadium sa Open grounds mismo. Gamit ang kanilang k

