Napaisip ng malalim ang batang lalaking si Li Xiaolong sa sinabi ng magandang babaeng nasa harapan niya. Masasabing ang kaalaman nito ay far exceeded sa mga sinabi ng nagsasalitang quoll na si Fai na siyang kaibigan niya. Napagtanto niya nga na malamang ay oo dahil dalawang bilyong taon na itong nabubuhay at ano nga ba sila sa tinutukoy nitong Tang Empire na isa sa napakalaki at napakalakas na emperyo sa kasaysayan. Ano nga ba sila? Siya? Ang Li Clan? Ang Kaharian ng Sky Flame Kingdom? Ang apat na kaharian? Ang Dou City? Sa katotohanan ay walang kwenta, mga insignificant one. All this time iniisip niyang ang Dou City at ang Apat na kaharian ay isang malaking balakid at mayroong mga mapangahas na kalakalan sa pamumuhay ng isang Cultivator ngunit mali pala siya. Mas higit na nakakatakot na m

