"Hmmmp! Ako pa ba, wala ka bang tiwala sa akin. Lahat ng kayamanang nakatago sa mga lupa ay kaya Kong hanapin hehehe... Paano yan talo ka bata?!" Malademonyong sambit ng nagsasalitang quoll na si Fai habang nakangisi itong tiningnan ang batang si Li Xiaolong. "Ah... Eh...?!" Sambit ng batang si Li Xiaolong habang mabilis nitong itinaas ang dalawa nitong kamay. "Hahaha... O siya, ang kalahating Top Grade Blood Gem Crystals ay ibibigay mo sa magulang mo o itatabi mo lang muna. Saka mo na ibigay kapag makakaya na nilang i-absorb ang mga ito. Ang Low Grade Blood Gem Crystals tsaka yung Middle Grade Blood Gem Crystals muna ang ibigay mo sa mga ito baka mapagkamalan kang magnanakaw niyan hahaha...!" Paalalang sambit ni Fai at hindi nito mapigilang magbitaw ng pabirong salita sa huling pangung

