Nasa labinglimang Wild Wolves kasi ang bilang ng mga ito at masasabing umalulong ng walang tigil ang mga halimaw na ito ng malakas na tila ba puno ito ng matinding lungkot at pighati. Ngunit mabilis din ang mga itong umalis sa lugar na ito na tila ba puno ng pagkatakot. Parang ramdam nila ang nagbabadyang panganib na naghihintay sa kanilang dumating at lumagapak mula sa kanila. Tila bakas sa kanilang nagpupulahang pares ng mga mata ang takot. "Hmmp! Aalis kayo? Matapos ng ginawa niyong perwisyo ay aalis na kayo?!" Sambit ng batang si Li Xiaolong habang may pait sa tono ng boses nito. Mabilis itong naglaho sa kawalan na tila ba isa itong pambihirang nilalang na naging isa sa hangin. Mabilis itong lumitaw sa naunang dalawang tumatakbong mga Wild Wolves at biglang... BANGGGGGGG! BANGGGGG

