Huh? Totoo ba ang nakikita ko anak? Bakit napakaraming Blood Gem Crystals naman ito?" Gulat na gulat na sambit ng ama ng batang si Li Xiaolong na si Li Qide. Masyadong napakaraming mga Blood Gem Crystals na nasa harapan nila. Sa dami nito ay halos malula siya at kinusot-kusot pa ng dalawang kamay niya ang mga pares ng mata nito at paulit-ulit nitong tiningnan ang nakalapag sa isang pahabang mesa nila. Makikita ang mangha sa tono ng boses ng pananalita nito. Ito lamang ang nasabi ng lalaking si Li Qide matapos nitong makita ang inilahad ng kaniyang panganay na batang anak matapos nitong umuwi sa kanilang bahay na halos maggagabi na nang makauwi ito. Akmang hahawakan ng lalaking si Li Qide ang mga nakikita niyang mga piraso ng Blood Gem Crystals ay mabilis niyang naramdaman ang kamay ng ka

