Nabalot ng ibayong katahimikan ang buong paligid lalo na sa pagitan ng argumento ng dalawang nilalang na walang iba kundi ng batang si Li Xiaolong at ng maliit na nilalang na quoll na si Fai. Maya-maya pa ay tinanggal na ng maliit na nilalang na quoll na si Fai ang kaniyang pagkakacross-arms at nagwika. "Kung yan ang gusto mong mangyari ay naiintindihan ko naman iyon batang Li Xiaolong. Desisyon mo yan, katawan mo yan hindi ba kaya hahayaan kita sa gusto mong mangyari pero wag mo kong sisisihin sa desisyon mong iyan lalo na sa hinaharap. Bilang kaibigan mo ay concern ako sayo, sa inyo. Napakswerte mo sa magulang mo dahil binusog ka sa pagmamahal ng isang pamilya ngunit ang mundong ito ay napakadelikado at kahit ganon ay malay mo ay mayroong mangyaring hindi mo kontrolado, ano'ng gagawin

